“You may hear from my lawyer if you cannot prove accusations you post on social media.”
Ito ang paalaala ni Jackie Forster sa administrator ng isang news and media website na naglabas kahapon, November 18, 2021, ng balitang pasaway umano ang kanyang anak na si Kobe Paras kaya malamang na hindi na i-renew ang kontrata nito sa sa team na kinabibilangan sa Japan B-League.
Nasa Japan ngayon si Kobe dahil naglalaro siya ng basketball para sa Niigata Albirex BB.
Nakasaad sa social media post ng isang news and media website: “Dahil umano sa pagiging matigas ang ulo, malamang na hindi na i-renew si Kobe Paras ng Japan B-League team ng Niigata Albirex BB.
“Nagagalit kapag pinalitan. Ayaw sumunod sa play. Hindi team player at tamad dumepensa ilan lamang sa mga reklamo sa 2nd generation cager.”

Ikinabahala ito ni Jackie, na nakatutok sa lahat ng mga nangyayari sa kanyang mga anak na sina Kobe at Andre, kahit malayo sila ngayon sa isa’t isa.
Alam ni Jackie na posibleng makaapekto kay Kobe ang mga matitinding akusasyon laban sa pagkatao nito kaya hinihiling niya sa naglabas ng balita na pangalanan ang pinagmulan ng tsismis na nakasisira ng reputasyon.
Saad ni Jackie sa administrator ng news site: “Please share your source, I’m curious as to whom would say this all the way from Japan that would be willing to jeopardize what they have been working on.
“I’d like to speak directly to that person with Kobe’s agent.
“Otherwise please don’t post things that could potentially taint or scar a persons reputation and mindset. Rumors destroy people. Specially their mental health.
“You may hear from my lawyer if you cannot prove accusations you post on social media. I will be checking my inbox regularly.”
Pumirma si Kobe, 24, ng kontrata sa Niigata Albirex BB noong September 5, 2021.
Nagsimula siyang maglaro ng basketball sa Japanese B-League noong October 2, 2021.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.