Tunay na Batang Maynila ang actor-director na si David Chua dahil lumaki at nagkaisip siya sa naturang lungsod.
Ito ang dahilan kaya ang Maynila ang pinili ni David na venue ng kanyang Halloween pictorial kung saan binigyang-buhay niya ang karakter ni Joker.
Ang Escolta at ang Jones Bridge ay kabilang sa mga naging backdrop niya nang i-recreate ang mga paboritong eksena niya mula sa iconic DC Comics movies na pinagbidahan nina Heath Ledger at Joaquin Phoenix.
Kasama niya sa pictorial ang professional photographer na si Doc Marlon Pecjo, ang stylist na si Gee Jocson, at ang hair and make-up artist na si Gabby Laxamana.
Nagmistulang tunay na Gotham City (or home of Batman) ang Maynila dahil sa nakamamangha at kakaibang Joker photo shoot ni David na umagaw sa atensiyon ng mga tao sa kalye dahil sa kanyang towering height at maskuladong pangangatawan.
"The Joker has always fascinated me. He's a good soul, a victim—not really the bad guy. He's like a lunatic, destructive clown with no filters on the outside, but still a child deep inside,” paliwanag ni David tungkol sa pagkagiliw niya sa karakter ni Joker.
May ilang kuwento rin siya tungkol sa lungsod na kanyang kinalakihan.
Saad niya, "I'm a true-blue Batang Maynila. I think the city is beautiful despite its imperfections. It has so many stories to tell.
"Here, you can still find the restaurant where Andres Bonifacio and his wife went to eat in. It's still open.
"The history of Escolta, in itself, reminds us of who we were and who we can again be.
"There is a parallelism between Manila and The Joker. It's either you survive or you don't."
ISKO HAS DAVID'S VOTE
Binanggit rin ni David ang kasalukuang mayor ng siyudad na si Isko Moreno.
Malaki ang pasasalamat ni David sa kanyang kapwa aktor na nagsimulang nanungkulan bilang mayor noong 2019.
Aniya, "In the same way that Gotham City needed a hero, Manila needs a hero as well, and I think Mayor Isko is doing a pretty good job at it.
"If he can do that for the city, I'm pretty confident that he can do it for the country. He definitely has my vote."
Wala sa bokabularyo ni David ang pumasok sa mundo ng pulitika, pero namamahagi siya ng mga tulong sa panahon ng coronavirus pandemic sa mga mahihirap na lugar sa pamamagitan ng kanyang food-relief operations.
Pero kung mabibigyan ng pagkakataon, handa ang Rated Korina director na suportahan ang pagpapaunlad sa cultural at artists hubs ng Maynila.

Rated Korina director David Chua directing Korina Sanchez and Mayor Isko Moreno
Bukod sa pagiging direktor, isa ring aktor si David.
Ang latest project niya ay ang Love Thy Woman (2020).
Naging twin brother siya ni Alex Gonzaga at kaibigan ni Kim Chiu sa My Girl (2008).