Ang plano noon na ilipat sa ibang lugar mula sa Heritage Park sa Taguig City ang libingan ng King of Comedy na si Dolphy ang isa sa mga napag-usapan nang humarap si Epy Quizon sa virtual media conference para sa "Lukso ng Dugo," ang kantang kanyang nilikha, inawit ng tatlumpong mga mang-aawit at proyekto ng MagkaisaPH na itinatag dahil sa pangunahing layunin niya na mangibabaw ang kapayapaan sa ating bansa.
Dahil sa nalalapit na paggunita sa All Saints Day, ang balak nila noon na ilipat ang mga labi ni Mang Dolphy ang isa sa mga itinanong kay Epy.


“There was a plan several years back. Actually, mga initial plan iyan, kasi nga when my father was buried in Heritage Park, wala siyang musoleo dahil nga iniisip namin sa Tanay, we have a property in Tanay.
“We wanted to build a museum for my father there with a chapel.
“And when we create the chapel, we wanted his body to be inside the chapel.
“It was the idea we had before and of course, after several years na nag-usap-usap kami nina Zsa Zsa [Padilla, former partner ni Mang Dolphy], Nicole [Epy’s sister], ng mga kapatid ko, we decided nga na huwag na nating galawin si Daddy.
“Nandiyan na siya, huwag na nating guluhin like he’s masaya naman, hindi naman tayo minumulto,” ang pahayag ni Epy tungkol sa hindi na natuloy na plano para sa mga labi ng kanilang ama.
Hindi man nangyari ang balak na paglilipat sa himlayan ng King of Comedy, tiniyak ni Epy na tuloy na tuloy ang pagpapatayo nila ng Dolphy Museum sa Dolphy Ville Estates, ang subdivision sa Calatagan, Batangas na pag-aari ng kanilang pamilya.
“As we speak, may plano na. Within the year, sisimulan na yung structure kung saan nandoon yung museum, Dolphy Manor.
“The Dolphy Manor will be built within Dolphy Ville, tapos nandoon yung museum niya.
“Yung ibang mga gamit niya, nandoon na. Yung important trophies, nasa akin.”
Gaano karami ang gamit ni Mang Dolphy at nasaan na ang mga negatibo ng kanyang mga pelikula?
Lahad ni Eric, “Most of the negatives, alam ko nasa ABS-CBN. Nasa kanila yung rights ng films ng daddy ko for RVQ [RVQ Productions, ang film company ni Mang Dolphy].
“I think, nire-restore nila. Naka-restore na yata sila ng ibang pelikula.
“I don’t know if itutuloy pa rin yung pagre-restore because of the franchise issue.
“Marami ang trophies. Nasa akin yung Order of the Golden Heart [Grand Collar of the Order of the Golden Heart, November 8, 2010, the highest award given to a private citizen by the President of the Philippines for Dolphy’s contributions to the entertainment industry and for his charitable and philanthropic works].


“Yung talagang priceless trophies niya, nasa akin.
"Sa dami ng mga gamit niya, I’m sure meron nang mga naipamigay pero ‘yung mga important, museum worthy.
“We kept two cars, yung pang-taping niya na Mark 111 at yung Mercedes niya na two-door. Yun ang pinaka-first Mercedes kasi niya, love na love niya yung kotse na iyon.
“Ilalagay sa museum iyan pati yung Mark 111 niya na kapag dumarating yun, ‘Andiyan na si Mang Dolphy!'”
Kailan ang target date ng pagbubukas ng Dolphy Museum?
“Siguro kapag nagsimula yung initial construction ng Dolphy Manor, magkakaroon na ng target date.
“Ma-e-estimate na nila kung gaano katagal. Pero as of now, ang alam ko, Eric [ang nakatatandang kapatid ni Epy] met with architects last week and engineer lang yata yung hinihintay nila.”
Ibinida ni Epy na sold-out na ang mga lote sa Dolphy Ville Estates, pero may isang bahagi pa na bubuksan kaya hinihikayat niya ang lahat na mag-invest sa ari-arian na naiwan ng kanyang ama dahil ibinebenta ito sa mura o makatuwirang halaga.


Pagmamalaki niya, “Sold-out na ang Dolphy Ville subdivision. May isang phase pa so if you wanna buy, buy now kasi mabilis talaga siya.
“Very reasonable prices. Let’s put it this way, for a 140 square meter lot, siguro P1 million to P1.2 million ang price sa Calatagan, across Lago Port Park.”
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.