Seksing-seksi si Sunshine Guimary sa mga Instagram post at sa mga eksena nito sa pelikula, pero natatakot siya para sa kanyang mga pamangkin na mga bata pa.
Saad niya, “Wala akong narinig sa pamilya ko [nang mag-artista ako] kasi ang promise ko, hinding-hindi ko sila idadamay kung magkaroon man ako ng isyu o bad publicity.
“Hindi ko talaga sila idadamay dahil respeto lang talaga ang ibibigay ko sa kanila.
“Pero may negative side dahil may mga pamangkin akong bata. Takot na takot ako at worried na worried na makita nila yung mga pinaggagagawa ko.
"Kasi yung mga bata, hindi natin mapipigilan pagdating sa cell phone. Takot akong makita nila yung mga ginagawa ko.
"Sabi ko, 'Huwag niyo akong tularan.'
"Hindi ko masabi nang direkta sa kanila, pero deep inside me, pumapasok sila sa isip ko kapag lumalabas na yung mga trailer ng pelikula ko.
"Nandoon talaga yung concern ko sa mga bata na, 'Huwag ninyong tularan ang tita niyo...'"
Naging artista si Sunshine dahil sa kanyang Instagram account, na mayroon nang 1.5 million followers, na naglalaman ng mga provocative pictorial niya.
Tawang-tawa si Sunshine nang malaman nitong follower ng kanyang Instagram account ang isang alkalde ng Metro Manila.
Pero nang pumasok ang sexy star sa showbiz, biglang nag-unfollow ang pulitiko na tila nahiyang malaman ng publiko na sinusubaybayan niya ang mga sexy post ng isa sa mga lead star ng House Tour.
Isa si Sunshine sa mga baguhan sa showbiz na may may magandang hugis ng katawan na kinaiinggitan ng mga kapwa niya artista.
Nang tanungin tungkol sa sikreto ng pagkakaroon niya ng mala-Jessica Rabbit na katawan,“Prayers lang,” ang hindi nagbibirong sagot ni Sunshine.
FROM VERGIE TO SUNSHINE
Vergie talaga ang first name ni Sunshine, pero pinalitan niya ito dahil sa insidenteng nangyari sa isang party na kanyang pinuntahan noong hindi pa siya artista.
“Vergie talaga ang pangalan ko, pero one time sinabihan ako ng ‘Hi, what’s your name?’
“Nasa party kami, siyempre maingay, ‘Ha, Virgin?’" dinig daw ng lalakeng nagtanong ng pangalan niya.
“Parang na-offend ako nang sinabi ‘yon. Sinabi pa niya, ‘Bro, her name is Virgin!
“Na-offend ako. Sabi ko, hindi puwedeng ito ang pangalan ko.
“Ang pangalan kasi ng father ko, Vergito, parang Junior ako.”
Pinalitan ni Sunshine ang pangalan niyang Vergie nang makatapos siya ng pag-aaral.
“After kong mag-aral, nagkaroon na ako ng sariling mundo, pinalitan ko ang pangalan ko.
“Noong naibigay ko na sa parents ko ang gusto nila na makatapos ako ng pag-aaral, ibinigay na rin nila yung mga gusto ko,” sabi niya.
Pinili ni Vergie ang screen name na Sunshine dahil sa lyrics ng "Diamonds," ang hit song ni Rihanna noong 2012.
“Galing ang Sunshine sa kanta na 'shine bright like a diamond,' kaya sabi ng friends ko dapat mag-shine ka talaga.
“Noong time na yun, naghahanap din ako ng pangalan na ipapalit ko.
"Ginamit ko one time yung Sunshine, parang okay siya kesa sa Vergie. Saka parang suwerte sa akin ang pangalan na Sunshine.”
Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.