Struggle is real.
Kahit sinasabi ni Baron Geisler na malaki na ang ipinagbago ng kanyang buhay at ugali dahil sa malaking pananampalataya niya sa Panginoong Diyos, nakararanas pa rin siya ng matinding kalungkutan o depression.
Nangyari ito sa lock-in taping ng Di Na Muli, ang Saturday night drama anthology ng Viva Television at ng TV5.
Lubos ang pasasalamat ni Baron sa kanyang co-star na si Lander Vera Perez dahil ito ang roommate niya na malaki ang naitulong para mabawasan ang kanyang depression.
Kuwento ni Baron, “Si Lander Vera Perez, isa sa mga lodi [idol] ko dahil napakapositibo niyang tao.
"Nagkaroon ako ng depression sa lock-in ng Di Na Muli.
"Buti na lang, siya ang naging roommate ko sa hotel. He just acted like my brother, and tingin niya sa akin, little brother.
“Nandoon ako, tatlong araw yata ako na hindi masyadong nagsasalita. Parang sepanx [separation anxiety], parang ganoon.
“Naninibago ako sa structure ng new normal natin. One month yun na nag-shoot kami.
"First, second days namin sa isang hotel, buti pinagbigyan ako ng Viva na isama yung wife ko for seven days.
"But after that seven days, we have another few days to wait for the RT-PCR test sa Subic, and yung few days na yun, pinilit niya [Lander] na mag-workout.
“Yung time na depressed ako, napansin niya. Sabi niya, ‘Tara, basketball tayo.’
“Kuwentuhan lang. Idinaan niya sa kuwento, magandang kuwentuhan.
"Puro positive vibes hanggang makuha ko yung positive vibes."
Nang hingan siya ng payo para sa mga katulad niyang dumaranas ng depression, naging matapat si Baron sa sagot nito.
Aniya, “The truth is I really cannot give advise.
“I will just speak for myself through experience. Lander was very generous and kind. He showed kindness to everyone. He was always smiling and he had this outlook in life, look good, feel good, do good.
“Even if I was spiritual already noong time na yun, siguro what I lacked was I had that false humility na nice. I have so many character defects pa rin [that] needs to be fixed.
"But in times of this pandemic, kahit nasa bubble ka sa taping, you think a simple kind of kindness, a simple gesture or nice words…
“To put it simply, be compassionate and mindful sa surroundings mo, and the energy will just be so magnetic.
"That positive energy to the point na, from Lander’s point of view, this energy, ipinasa niya sa akin at naipasa ko sa iba, hanggang sa nabuksan yung puso ko na na-enjoy ko yung buong proseso ng shoot and it became a lot easier for me to work."