Naghain na ng certificate of candidacy bilang house representative ng Fourth District ng Leyte ang aktor at incumbent Ormoc City Mayor na si Richard Gomez.
Kasama ang kanyang asawa na si Lucy Torres at anak na si Juliana, pormal na inihain ni Richard ang kanyang congressional bid nitong Miyerkules, October 6, sa provincial office ng Commission on Elections sa Tacloban City.
Sakaling palaring manalo siya sa 2022 elections, siya ang hahalili kay Lucy incumbent representative ng Leyte Fourth District.
Si Lucy ay tatakbo naman bilang mayor ng Ormoc City, na kasalukuyang puwesto ni Richard.

Tadhana ni Lucy ang pumasok sa pulitika dahil naging substitute lamang siya ni Richard nang kumandidato ito noong 2010 bilang house representative ng nasabing distrito.
Nagkaroon ng residency issue ang aktor kaya nadiswalipika siya ng COMELEC.
Nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni Richard na pumasok sa pulitika at makapaglingkod sa bayan nang kumandidato at manalo siyang alkalde ng Ormoc City noong 2016.
BENJAMIN ABALOS SR. RUNS FOR MAYOR IN MANDALUYONG
Naghain din ng certificate of candidacy ngayong Miyerkules si former COMELEC Chair Benjamin Abalos Sr., na kakandidato bilang mayor ng Mandaluyong City.
Running mate ni Benjamin Sr. ang kanyang manugang, ang incumbent Mandaluyong mayor na si Menchie Abalos.
Ang asawa ni Menchie na si MMDA Chair Benjamin Abalos Jr. ay kakandidatong bise alkalde ng siyudad.
Hindi baguhang mayor si Benjamin Sr. dahil nanilbihan siyang alkalde ng Mandaluyong mula June 1988 hanggang June 1998.
Ang anak niyang si Benjamin Jr. ang nahalal at pumalit sa kanya bilang alkalde ng lungsod nila noong June 1998.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.