PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tingnan muna natin itong nagaganap na political family drama...

Umiikot lang talaga ang power sa Ilocos sa pamilyang ito.
by Jojo Gabinete
Published Oct 3, 2021
Rodrigo Duterte, Sara Duterte-Carpio, Chavit Singson, Ryan Singson
Silipin lang muna natin sandali ang nagaganap na political family drama sa pagitan nin Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, at sa mag-aamang Luis "Chavit" Singson, Ryan Singson, at Ronald Singson ng Ilocos Sur.
PHOTO/S: (Duterte) Courtesy of Presidential Communications / (Sara) @indaysaraduterte / (Chavit & Ryan) Ryan Singson Facebook page

Life imitating art. Art imitating life.

Mapapanood na ngayon, October 3, sa HBO Go ang huling yugto ng On The Job: The Missing 8, ang action-thriller-drama movie ni Erik Matti na umani ng mga papuri sa 78th Venice Film Festival na naganap noong nakaraang buwan sa Venice, Italy.

Napapanahon ang pagpapalabas ng huling yugto ng On The Job na may pamagat na "Sisoy" dahil may kinalaman ito tungkol sa paghahain ng certificate of candidacy ng mga nagnanais na kumandidato sa eleksyon.

Si Wendell Ramos ang gumanap na anak ni Dante Rivero na gustong kumandidato bilang bise-presidente ng Pilipinas dahil pangarap niya na maging pangulo ng bansa pero tutol na tutol ang kanyang ama.

political family drama

Sa tunay na buhay, nagsimula noong October 1 at matatapos sa October 8, 2021 ang paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections ng mga tatakbo sa halalan sa May 9, 2022.

Kaya nasasaksihan na ng sambayanang Pilipino ang iba’t ibang klase ng political na drama na handog ng pamilya ng mga kakandidato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinamahan kahapon, October 2, ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Comelec sa Sofitel Harbor Garden Tent, Pasay City, si Senator Christopher Lawrence “ Bong” Go nang maghain ito ng certificate of candidacy sa ganap na 3:24 p.m. para sa kanyang vice-presidential bid.

Kasabay ng paghahain ni Go ng kandidatura ang announcement ni Duterte na magreretiro na ito sa pulitika.

Sa Davao City, ilang minuto makalipas ang alas-kuwatro nang hapon, naghain ng certificate of candidacy si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Muli siyang tatakbo bilang alkalde ng lungsod para sa kanyang pangatlo at huling termino ng paglilingkod.

Kaya inisip ng lahat na totoo ang pahayag niya na hindi siya kakandidatong pangulo ng bansa.

Pero mismong si President Duterte ang nagsabi at nagkumpirma sa panayam sa kanya kahapon na ang anak niya ang running mate ni Senator Go.

“Sara-Go na,” ang sabi ni Duterte pero hindi pa raw niya alam kung kailan maghahain ng kandidatura sa pagka-pangulo ang kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I really do not know. I do not have any idea at all. Actually, hindi kami nag-uusap ng pulitika ever since. Ever since, we don’t talk about politics,” sabi ni Duterte.

Iba naman ang real-life political drama na nangyayari sa Ilocos Sur dahil mag-ama ang magkalaban para sa vice-gubernatorial post—si Narvacan, Ilocos Mayor Luis "Chavit" Singson at ang kanyang anak, si incumbent Ilocos Sur Governor Ryan Singson.

Luis

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Huling termino na ni Ryan bilang gobernador ng Ilocos Sur kaya kakandidato siya na bise-gobernador ng kanilang lalawigan sa May 2022.

Ang asawa ni Ryan na si Patch Savellano-Singson ang tatakbong gobernador ng Ilocos Sur at si incumbent Ilocos Sur Vice Governor Jerry Singson ang makakatunggali niya para sa nasabing posisyon.

Patch Singson, Ryan Singson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapatid ni Mayor Chavit Singson si Vice Governor Jerry Singson at anak naman si Patch ni Deogracias Victor “DV" Savellano, ang incumbent House Representative ng 1st District ng kanilang probinsya.

Re-electionist sa May 2022 para sa naturang posisyon si DV na may showbiz connection dahil siya ang asawa ni Dina Bonnevie at stepdaughter nito ang kanyang anak na si Patch.

Deogracias Victor “DV“ Savellano, Dina Bonnevie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakandidato na House Representative ng District 1 ng Ilocos Sur ang kapatid ni Ryan na si Ronald kaya makakalaban nito ang kanyang biyenan na si DV.

Si Ronald naman ay may showbiz connection din dahil sa relasyon nito noong 2010 kay Lovi Poe na nakahiwalayan niya noong 2013.

Lovi Poe, Ronald Singson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Silipin lang muna natin sandali ang nagaganap na political family drama sa pagitan nin Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, at sa mag-aamang Luis "Chavit" Singson, Ryan Singson, at Ronald Singson ng Ilocos Sur.
PHOTO/S: (Duterte) Courtesy of Presidential Communications / (Sara) @indaysaraduterte / (Chavit & Ryan) Ryan Singson Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results