PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dominic Roque nag-volunteer maging ambassador ng Gabay Kalikasan

Dominic Roque, tutulong sa pagprotekta sa Laguna de Bay.
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2021
Bilang ambassador ng Laguna Lake Advocacy Awareness (LAWA) project ng Gabay Kalikasan, nag-iikot si Dominic Roque sa lawa ng Laguna upang matiyak ang proteksiyon nito. Isama kaya niya sa kanyang pag-iikot ang girlfriend na si Bea Alonzo?
PHOTO/S: @dominicroque on Instagram

Nabanggit ang pangalan ni Bea Alonzo sa Thursday morning (September 30) virtual media conference ng Gabay Guro Grand Gathering na mangyayari sa Sabado, October 2.

Ito ay dahil kabilang sa mga event host ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

May partisipasyon si Dominic sa annual event ng PLDT Smart Foundation dahil siya ang celebrity ambassador ng Laguna Lake Advocacy Awareness o LAWA.

Sa naganap na digital presscon, sinabi ni Gabay Guro Chairperson at Metro Pacific Investments Corporation Chief Sustainability Officer Chaye Cabal-Revilla na kusang nagboluntaryo si Dominic bilang celebrity ambassador ng LAWA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “We see water as an important resource for everyone. We also want to protect Laguna lake from pollution, from everything that will affect our water resource.

“Lahat tayo hindi makakapag-survive without water, and given climate change, yun na ang one of the key aspects sa report na we get affected sa source of water. We really have to take care of our environment.

“I thank Dominic for volunteering to be an ambassador for that project because it’s really worthwhile.

“Si Dom, when we launched Gabay Kalikasan, wala pa kaming specific program, he was already there with Pops Fernandez.”

Nang mabigyan si Dominic ng pagkakataong magsalita, ikinuwento niya ang kanyang mga obligasyon bilang celebrity ambassador ng LAWA.

“That was 2019 nang mag-launch ng Gabay Kalikasan and nagkaroon kami ng mini- concert. From there, naging ambassador po ako ng Gabay Kalikasan.

“For this one, ang attack namin for LAWA project is to go around Laguna de Bay, so iniikot ko po siya using my motorcycle and iniikutan namin yung mga puwedeng puntahan at yung mga tao na involved around Laguna de Bay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin kung isinasama niya si Bea sa pag-iikot sa lawa ng Laguna, “Siguro next time, makakasama natin siya, nakaangkas sa motor,” sagot ni Dominic.

“Ganoon talaga kapag nagpaplano ng future proofing, di ba? Kailangan ng sustainability siyempre kapag nagkaanak sila ni Bea. The things that we’re doing now will benefit their children,” reaksiyon ni Chaye nang mabanggit si Bea sa pag-uusap.

Sagot ni Dominic, “Opo, the next generation.”

Sina Pops Fernandez, Iza Calzado, Derek Ramsay, at Atom Araullo ang co-hosts ni Dominic sa 2021 Grand Gathering ng Gabay Guro na may temang "Guro sa Gitna ng Pandemya: Heroes for Digital Tranformation."

Magkakaroon ito ng live streaming, simula 2 p.m., sa Facebook page at YouTube channel ng Gabay Guro.

Inaasahang kalahating milyon ang bilang ng mga guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang online na lalahok dahil sa malalaking premyo na kanilang mapapanalunan at sa star-studded show.

Kabilang sa performers sina Jose Mari Chan, Martin Nievera, Nonoy Zuñiga, Basil Valdez, Joey Albert, Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Erik Santos, Rayver Cruz, Randy Santiago, Mark Bautista, Christian Bautista, Janine Teñoso, Yeng Constantino, Sam Concepcion, at marami pang iba.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang ambassador ng Laguna Lake Advocacy Awareness (LAWA) project ng Gabay Kalikasan, nag-iikot si Dominic Roque sa lawa ng Laguna upang matiyak ang proteksiyon nito. Isama kaya niya sa kanyang pag-iikot ang girlfriend na si Bea Alonzo?
PHOTO/S: @dominicroque on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results