PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andre Yllana on what he likes most about mom Aiko Melendez

Andre, may pangako sa sarili kapag nag-asawa at nagkaanak na.
by Jojo Gabinete
Published Sep 28, 2021
Andre Yllana on mom Aiko Melendez: “Growing up po, mas lalo akong natuto na maging mapagbigay dahil po sa nakikita ko sa bahay... Siguro nakuha ko na rin po yun kay Mommy, kasi si Mommy ang napaka-thoughtful pagdating po sa mga ganyan. Sa mga anak niya, napaka-thoughtful ni Mommy."
PHOTO/S: Instagram

Ang pangalan ni Aiko Melendez ang bukambibig ng kanyang anak na si Andre Yllana sa digital press conference na naganap nitong Lunes ng hapon, September 27.

Ang mga papuri ni Andre kay Aiko ang matibay na basehan ng malalim na pagmamahal at mataas na respeto niya sa kanyang ina.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na single parent si Aiko, pero maganda ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak na sina Andre at Marthena.

Si Andre ay anak ni Aiko sa una nitong asawang si Jomari Yllana, habang si Marthena ay anak naman ng aktres sa kanyang second husband na si Martin Jickain.

Sa idinaos na virtual presscon para sa kanila ni Ashley Diaz kahapon, ang mga role at proyekto ni Aiko na tumatak sa isip niya ang isa sa mga itinanong kay Andre.

Mabilis na sagot ng 23-year-old newbie actor, ang Emilia character ng kanyang ina sa Wildflower, ang drama series ng ABS-CBN noong 2018, at Maalaala Mo Kaya The Movie ng Star Cinema noong 1994.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang tanungin siya tungkol sa movie role ng tatay niyang si Jomari na tumatak sa kanya, walang naisagot si Andre kundi “Ang alam ko po kasi mga movie role ni Daddy, medyo malaswa.”

Pagdating sa ugali, bilib si Andre sa pagiging mapagbigay ni Aiko, pero ito rin ang ugali ng kanyang ina na ayaw niya dahil inaabuso raw ito ng ibang mga tao.

“Pinakahahangaan ko na trait ni Mommy, yung mapagbigay po.

"Pero minsan, yun na rin po siguro [ang ayaw ko], sana hindi po maging sobra-sobra.

"Minsan po yung pagiging mabait natin, parang nate-take advantage po ng ibang tao kaya siguro yun rin ang masasabi na blessing and a curse po.”

Kahit sinabi ni Andre na maramot siya noong bata pa, hindi maitatangging minana niya ang generosity at thoughtfulness ni Aiko.

Nang matanggap ni Andre ang talent fee nito mula sa Di Na Muli, ang unang drama series niya sa TV5, ibinili niya agad ng regalo ang kanyang lola, nanay, at kapatid kaya ipinagmamalaki siya ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Andre, “Growing up po, mas lalo akong natuto na maging mapagbigay dahil po sa nakikita ko sa bahay.

“Dati po, madamot ako, lalo na sa candy. Hindi ako nagbibigay ng mga candy, madamot ako sa ganoon.

"Pero noong lumalaki na po ako, nakikita ko sa bahay na yung pamilya po, yun ang parang pinaka-branch po ng pag-ibig.

"So, natuto po akong mag-share.

"Siguro nakuha ko na rin po yun kay Mommy, kasi si Mommy ang napaka-thoughtful pagdating po sa mga ganyan.

"Sa mga anak niya, napaka-thoughtful ni Mommy."

Kapansin-pansing hindi nawawala ang "po" at "opo" sa mga pananalita ni Andre, na tanda ng pagiging magalang niya sa kapwa at sa mga nakatatanda sa kanya.

Nang kumustahin kay Andre ang kasalukuyang relasyon nila ng amang si Jomari, ibinalita niyang napapadalas na ang kanilang pagkikita at pag-uusap.

Lahad niya, “Ngayon nakakapag-catch up po talaga kami. Weekly po kami nagkikita halos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“We keep in touch na po, not unlike before na parang habol na habol po ako sa oras ni Daddy.

“Ngayon po, parang masasabi ko pong balanse na yung oras ni Daddy para sa akin.”

May hatid na lungkot sa puso ang pahayag ni Andre nang ibahagi nito ang pangako sa sarili kapag nagkaroon siya ng asawa at anak pamilya, para hindi mangyari ang kanyang mga naranasan nang maghiwalay noon ang mga magulang niya.

“Promise sa sarili ko po na kapag ako nag-asawa o kaya nag-anak, hindi ko ipapadama yung hirap na naramdaman ko po sa magiging anak ko, dahil alam ko po kung gaano kasakit.

“Kapag ako nagkapamilya, I will make sure na maayos po kung ano ang problema. Na kailangan po, may oras sa anak,” saad niya.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andre Yllana on mom Aiko Melendez: “Growing up po, mas lalo akong natuto na maging mapagbigay dahil po sa nakikita ko sa bahay... Siguro nakuha ko na rin po yun kay Mommy, kasi si Mommy ang napaka-thoughtful pagdating po sa mga ganyan. Sa mga anak niya, napaka-thoughtful ni Mommy."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results