PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabbi Garcia, Khalil Ramos on working together

Gabbi at Khalil, touched sa heartwarming comments mula sa fans.
by Jojo Gabinete
Published Sep 25, 2021
Khalil Ramos on positive comments about his podcast with girlfriend Gabbi Garcia: "Nag-start kami ng podcast, ikinuwento namin yung love story namin. May isang nag-comment, parang sabi niya, 'I’m a 50-plus years old and I’m still single. This helped me a lot. Thank you for sharing your story.'"
PHOTO/S: GMA Network

Sa susunod na buwan ay mag-iisang tao na buhat nang lumipat si Khalil Ramos sa GMA Artist Center, pero ngayon lamang niya makakapareha sa isang drama anthology ang kanyang real-life girlfriend na si Gabbi Garcia.

Mangyayari ito sa episode ng Regal Studio Presents na mapapanood ngayong Sabado ng gabi, September 25, 8:30 p.m., ang "One Million Comments."

Unang nagkasama ang dalawa sa 2019 movie na LSS.

Ayon kay Gabbi, hindi pa sila kumportable noon ni Khalil sa isa’t isa.

“Parang hindi namin kaya magtrabaho together since yung relationship namin, hindi naman out of work.

“Pero noong gumawa kami ng pelikula, medyo awkward pa kami.

"After that, na-discover namin kung paano magtrabaho yung isa’t isa. Kung ano yung work ethics ng isa’t isa, strength at weakness.

“For this one, yung first television appearance namin as a couple, medyo smooth na,” saad ng Kapuso actress.

"One Million Comments" ang title ng episode ng Regal Studio Presents na tinatampukan nina Khalil at Gabbi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tunay na buhay, hindi sigurado ang dalawa kung umabot na sa isang milyon ang bilang ng mga komento sa kanilang mga social media account. Pero may mga mensahe mula sa fans na pinahahalagahan at sinasagot nila.

Ani Gabbi, “Sa mga nagko-comment po sa akin na na-inspire sila dahil sa aking balat, I’m morena, and also yung naa-uplift ang spirits nila kasi kinu-call out ko yung body shamers, nakakataba talaga ng puso.

“It’s so rewarding knowing that you can make someone’s day at naa-uplift mo sila. Yun ang mga tumatatak na comments sa akin."

Ibinahagi naman ni Khalil ang hatid na inspirasyon sa ibang mga tao ng relasyon nila ni Gabbi.

Saad niya, “Recently, may isang comment na tumatak sa akin na ipinadala ko kay Gabbi.

“Nag-start kami ng podcast, ikinuwento namin yung love story namin. May isang nag-comment, parang sabi niya, 'I’m a 50-plus years old and I’m still single. This helped me a lot. Thank you for sharing your story.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mga comment na ganoon, hindi namin expected na may mga manonood na late 50s at, kahit papaano, nakatulong kami sa buhay nila.

"Isa yun sa mga nakakatuwang basahin."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Khalil Ramos on positive comments about his podcast with girlfriend Gabbi Garcia: "Nag-start kami ng podcast, ikinuwento namin yung love story namin. May isang nag-comment, parang sabi niya, 'I’m a 50-plus years old and I’m still single. This helped me a lot. Thank you for sharing your story.'"
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results