Kanselado ang 60th Miss International na magaganap sana sa Tokyo, Japan sa October 21, 2021, dahil sa coronavirus pandemic.
Ikinalungkot ito ng reigning Bb. Pilipinas International na si Hannah Arnold, pero napagtanto nitong para sa ikabubuti ng mga kandidata ang pasya ng Miss International Organization.
Sa virtual presscon ng pelikulang Bekis On the Run ngayong Biyernes, Septembr 10, tinanong si Miss International 2016 Kylie Verzosa kung ano ang payo niya para kay Hannah.
Saad ni Kylie, “Ang advise ko kay Hannah, keep on doing what you’re doing.
"This is the perfect opportunity that you realize you have more time to train, to do better, to become better, to form yourself as Miss International.
“Kayang-kaya mo ‘yan.
"Pageant pa lang, nakita ko na ang potential niya as Miss International."
Kahit limang taon na ang nakalilipas mula nang manalo siya na Miss International, nananatiling maganda ang relasyon ni Kylie sa Miss International Organization kaya nauunawaan niya ang desisyon ng organizers.
“Yung Miss International, sobrang close ako sa organization at alam ko yung hirap na napagdaanan nila to push this pageant for the past years. Sobra yung mga effort na ginawa nila.
"Pero, unfortunately, yung Japan government na yung hindi pumayag.
“Medyo restricted tayo dun, pero siyempre, it’s still the safety of the girls ang kino-consider,” sabi ni Kylie.
LAUNCHING MOVIE WITHOUT RED-CARPET PREMIERE
Hindi lamang ang Bekis On the Run ang ipino-promote ni Kylie dahil nagsimula ang streaming sa Vivamax ng kanyang launching movie, ang The Housemaid, ngayong September 10.
Kung hindi nagkaroon ng pandemya, tiyak na mararanasan ni Kylie na magkaroon ng red-carpet premiere ang pelikula niya at siguradong dadalo ang kanyang mga kamag-anak at pamilya. Pero kabaligtaran nga ang nangyari.
Pahayag ng beauty queen-actress, “Hindi tayo nakakalabas, hindi tayo nakaka-interact properly, and siguro gagamitin ko na rin yung opportunity ng first title role, and hindi ko man lang siya na-enjoy nang maigi o mabuti.
“Nakakalungkot lang, naiinggit ako sa United Arab Emirates. Nakikita ko yung mga premiere night nila, nakikita ko na may mga tao.
“Hindi ko man lang siya ma-enjoy. Hindi ko man lang makita yung friends ko. Parang hindi ko siya ma-enjoy to the fullest potential.
“Nae-enjoy ko na lang siya thru photos that they sent to me, habang ako, nandito sa bahay.
"Pero I still try to look at the bright side of things na kailangan kong maging grateful and happy pa rin ako for the things I have now.”
Nagbukas ang The Housemaid sa mga sinehan sa UAE noong September 9 dahil halos normal na ang pamumuhay ng mga residente doon.
Kaya nabanggit ni Kylie ang lungkot at pagkainggit na naramdaman sa mga taong nakapanood sa wide screen ng kanyang pelikula.