Ang igalang ang pagdadalamhati niya at ng naulilang pamilya ni Raymund Isaac ang pakiusap ng kanyang partner na si Jayson Vicente.
Hindi itinago ni Jayson ang kanyang pagkadismaya dahil nauna pa ang ibang mga tao sa pagbabalita, gamit ang social media, tungkol sa pagpanaw ng celebrity photographer.
Binawian ng buhay si Raymund, sa edad na 58, noong September 3 sa isang ospital sa San Francisco, California.
Ibinahagi ni Jayson ang kanyang saloobin sa Facebook post niya ngayong Martes ng umaga, September 7.
Mensahe niya, “It has been three days since I lost the love of my life, my Rock, my Menmen.
"In silence I read all your messages of condolence and support. These are all greatly appreciated & have brought me comfort during this most difficult time.
"However, what is more heartbreaking was that this news broke out on social media less than 12 hours after he passed. We had hoped to get over the shock of his passing first."
Dahil sa "premature postings" ng iba sa pagkamatay ni Raymund, nagkaroon daw tuloy ng "major financial & legal repurcussions" sa mga naulila nitong mahal sa buhay,
Saad ni Jayson, “Words cannot describe the pain of losing a loved one, a spouse. We also needed time to get our affairs in order.
"The premature postings have caused major financial & legal repercussions for us — compounded by the fact that I am distanced from managing it in person. This is very disappointing & frustrating!"
Pinasalamatan naman ni Jayson ang kanilang malalapit na kaibigan, kasama na ang Broadway star na si Lea Salonga at ang dating model at magazine editor na si Myrza Sison, na kinumpirma sa kanila ang pagpanaw ni Raymund ngunit nanatiling tahimik hangga't hindi nag-aanunsiyo ang pamilya.
Sabi pa ni Jayson tungkol kay Raymund, “He lived a full life, always pushing the boundaries to improve this world through his big humble heart, creativity, generosity, and wicked sense of humor. Everyone loved him. I will love him forever!
“May our experience teach us all to show respect & compassion for the grieving family. Let them make the announcement when it is time.
“While our families and I continue to appreciate the love and messages, we ask that you all respect our privacy in these most tragic times.”
Ikinasal sina Raymund at Jayson sa Las Vegas, Nevada noong July 15, 2021.
Makalipas ang siyam na araw, si Raymund ang nagkusang ipaalam sa kanyang mga kaibigan na nagpositibo siya sa COVID-19 at kailangang ma-confine sa ospital.
Kung may dapat magkumpirma tungkol sa pagpanaw ni Raymund noong September 3, ito ay si Jayson o ang mga kapatid ng namayapang celebrity photographer.
Hindi ang kanyang mga kaibigan—mga artista ang karamihan—na nagpaligsahan sa posting sa social media ng kanilang mga pakikiramay.
Hindi nila naisip ang magiging epekto ng kanilang ginawa sa legal at financial na aspeto na hinaharap at dapat ayusin muna ng mga naulila.
Hindi ito ang unang kaso na inunahan ang pamilya ng namayapa sa pagbabalita tungkol sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, kahit hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang immediate family members.
Eye-opener at wake up call ang inilabas ni Jayson na pagkadismaya para maging responsable ang lahat sa paggamit ng social media.
Tulad ng kanyang sinabi, maging aral sana ang nangyari para matuto tayong magpakita ng respeto at pagkahabag sa mga pamilya na nagdadalamhati.