PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It's Showtime's Reina ng Tahanan draws flak from viewers

It's Showtime dapat mag-imbita ng psychologist para sa "Reina ng Tahanan."
by Jojo Gabinete
Published Sep 1, 2021
Sa "Reina ng Tahanan" segment ng It's Showtime nitong August 31, ipinagtapat ng contestant na si Rea Millares (kaliwa) sa kanyang 16-year-old na anak (kanan) ang tunay na pagkatao nito: "Yung tatay na kinilala mo, anak, hindi talaga siya yung tatay mo."
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

Hindi pabor sa It’s Showtime ang mga komento ng televiewers at netizens tungkol sa segment ng "Reina ng Tahanan" kahapon, August 31.

Hindi nagustuhan ng karamihan ang ginawa ng contestant na si Rea Miralles sa noontime show ng Kapamilya Channel.

Pinili ni Rea ipagtapat sa national television at sa kanyang 16-year-old son na hindi ang kinagisnan nitong ama ang biological father ng anak.

Ikinabigla ng menor de edad na bata ang ipinagtapat ng ina.

Napaiyak ang binata pero nagsabing mahal na mahal at nauunawaan niya ang ina na lumuhod pa at lumuluhang humingi ng kapatawaran.

Matindi at malaki ang epekto sa mga nakapanood ng eksenang kanilang nasaksihan kaya matinding awa ang naramdaman nila para sa bata, na literal na inilagay sa alanganing sitwasyon ng kanyang sariling ina.

Sumang-ayon ang marami sa opinyon ng huradong si Janice de Belen na hindi ang It’s Showtime ang wastong venue para ipagtapat ni Rea ang isang lihim na imposibleng hindi makaapekto sa damdamin at pag-iisip ng kanyang menor de edad na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ilang komento ng netizens tungkol sa napanood nilang eksena sa "Reina ng Tahanan":



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Naging maagap din sa pagsasalita ang It’s Showtime host na si Vice Ganda, na isinaalang-alang ang magiging pakiramdam ng bata at gumawa ng paraan para bawasan ang tensiyon sa pasabog ng contestant.

Pero hindi ito sapat.

Panahon na siguro para magkaroon ng guest psychologist ang It’s Showtime na makatutulong sa mga host sa pagtalakay ng maseselang isyu sa "Reina ng Tahanan" segment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Higit na may kakayahan ang mga psychologist na magsalita at magpaliwanag tungkol sa mga sensitibong topic, gaya ng ginagawa sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.

Madalas na may nakaantabay na pyschologist o expert sa segment ng noontime show ng GMA-7 kapag maselan ang paksa—gaya ng teenage pregnancy, adoption, at mental health.

At para maiwasan ang eksenang nangyari kahapon, mas makabubuti sigurong huwag nang mag-imbita ang It’s Showtime staff ng mga menor de edad na magtatanong nang personal sa mga kalahok ng "Reina ng Tahanan."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa "Reina ng Tahanan" segment ng It's Showtime nitong August 31, ipinagtapat ng contestant na si Rea Millares (kaliwa) sa kanyang 16-year-old na anak (kanan) ang tunay na pagkatao nito: "Yung tatay na kinilala mo, anak, hindi talaga siya yung tatay mo."
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results