Pinagbawalan muna si Rhen Escaño na mag-post ng litrato sa social media tungkol sa international movie na ginagawa niya sa Singapore.
Pero nagbahagi siya ng patikim na detalye tungkol dito.
Sunday ang pamagat ng international movie ni Rhen.
Leading man niya ang Vietnamese actor na si Ho Thanh Trung. Co-stars nila ang Singaporean actors na sina Michelle Saram at Adrian Pang.
Kuwento ni Rhen, "2020 pa po ako nag-audition. And ang alam ko po, marami kaming nag-audition for the role kasi lead, love story, at sobrang meaningful yung kuwento.
"It’s about a domestic helper from the Philippines and a Vietnamese na nagtrabaho rin sa Singapore.
"It’s a love story, kung paano masu-survive ng dalawang characters na ‘yon.
"Nakakatuwa kasi mapo-portray o maire-represent mo yung mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa para sa mga pamilya nila. Nakakatuwa siyang gawin."
Ibinahagi ito ni Rhen sa virtual presscon para sa Paraluman, ang upcoming erotic nila ni Jao Mapa, na ipalalabas sa Vivamax sa September 24, 2021.
Ginanap ang mediacon nitong Martes ng hapon, August 31.
Kasalukuyan namang nasa Singapore si Rhen dahil ongoing pa ang shooting ng Sunday.
Patuloy ni Rhen, "Ngayon, Day 10 na ng shooting namin at meron pa kaming twenty shooting days.
"Grabe, nakakatuwa na marami akong nae-experience na mga bagong bagay na hindi siya usual na ginagawa natin sa Pilipinas o hindi ko na-experience sa bansa natin.
"Marami akong nakikilalang mga tao at excited po talaga ako.
"Mapapanood ito, lalo na sa bansa natin. Sana abangan ng lahat dahil special itong project na ito for me."

SAFETY PROTOCOLS IN SINGAPORE
Inilarawan ni Rhen ang safety protocols sa Singapore, mula sa kanyang quarantine hanggang sa sumabak siya sa shooting.
"Sobrang naloka po ako dahil nag-quarantine ako for 14 days. And pagdating po namin dito sa Singapore, medyo naghigpit sila dahil parang medyo tumaas ang cases. Pero 80 percent po ng population, vaccinated sila.
"Thankful ako dahil meron kaming ginagalawang safe na lugar. Siguro masasabi ko, mas nakakagalaw po nang hindi ganoon kahigpit dito dahil hindi po kami naka-lock-in.
"Hindi kami nakakulong sa isang bubble, unlike sa Philippines na kailangan nasa isang area lang kayo at hindi puwedeng lumabas."
Nae-enjoy ni Rhen ang trabaho roon.
"Dito puwede po kaming lumabas so nakakabawas siya ng anxiety.
"Pero kapag nasa set kami, super mahigpit po sila. Kailangan pa rin ng face mask, face shield. At very maalaga talaga sila sa amin ng kapartner ko.
"Very nice naman dito kaya masaya kahit ang layo ko."
Nag-timeout lang si Rhen sa shooting ng Sunday para makasipot sa virtual presscon ng Paraluman.
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.