Dahil sa kanyang effective na pagganap bilang drag queen sa 2016 movie na Die Beautiful, na-typecast si Christian Bables sa gay roles, at ito rin ang dahilan kaya nagkaroon ng pagdududa sa sexual preference niya.
Sa recent media conference ng Bekis On the Run, tuluyan nang tinuldukan ni Christian ang isyu nang sabihin niyang hindi siya makikipagrelasyon sa kapwa lalake.
“No, simply because my preference is hindi into same sex, but I am a proud ally of the community,” ang walang kagatul-gatol na pahayag ni Christian na itinuwid din ang maling akala na sanay siyang makipaghalikan sa kapwa lalake sa mga pelikulang ginawa niya noon.
Si Joel Lamangan ang direktor ng Bekis On the Run at napapayag niya si Christian sa kauna-unahang pagkakataon na gawin ang kissing at sex scenes sa pelikula nila.
Pag-amin niya, “This is actually my first time to do itong mga ganitong eksena, although I did a lot of gay roles sa aking mga pelikula before.
“Ito po ay first time ko na gumawa ng mga ganitong klase na eksena. Nabasa ko yung script. Tama si Sean [de Guzman, ang gumanap na boyfriend niya sa Bekis On The Run], yung ibang mga hiningi ni Direk, wala sa script.
"Pero once na nakapasok ka na sa shoes ng character, kung saan man dalhin ng direktor yung ship kumbaga, masasakyan mo yun.
“Somehow, magiging ready ka. Pero ikaw as an actor, medyo may gulat factor na, 'Ahh, okey, ipinapagawa ito ni direk, pero sige lang dahil alam kong sa maganda niya kami dadalhin.'
“I think hindi ko rin siya ibibigay kung hindi si Direk Joel ito at kung hindi yung mga direktor na pinagkakatiwalaan ko. Isa si Direk Joel doon.”
Kinumpirma ni Sean na wala sa script ng Bekis On the Run ang bed scene at torrid kissing scene nila ni Christian kaya hindi talaga sila handa sa ipinagawa ni Joel sa kanila.
Muli niyang pag-amin, “Hindi po kami prepared. Minsan biglaan na lang si Direk na maglalagay ng ganoong eksena pero wala naman sa script.
“Lahat kami nasa-shock dahil hindi kami… mabibigla ka na lang, bibigyan ka niya ng eksena na ganoon. May mga naka-standby naman na mouthwash, so mabilisan lang.”
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.