Nagsimula ang Netflix streaming ng A Faraway Land, ang pelikulang pinagbibidahan nina Paolo Contis at Yen Santos, ngayong Huwebes, August 19.
Kinunan ang lahat ng mga eksena ng pelikula sa Faroe Islands, ang "paraiso" na matatagpuan sa pagitan ng Iceland at Norway.
Ginagampanan ni Yen sa A Faraway Land ang papel ng isang Pilipina na naninirahan sa Faroe Islands, may anak at asawang Faroese na ginampanan ng Faroese actor na si Hans Tórgarð.
Si Paolo naman ang reporter na gumawa ng documentary tungkol sa mga Pilipino na residente ng Faroe Islands, at si Mahjoy (Yen) ang kanyang subject.
Nagkaroon sila ng relasyon sa loob lamang ng maikling panahong pananatili ni Paolo sa nasabing lugar.
Sa interbyu ng Cabinet Files kay Paolo noong December 2020, ikinuwento niyang napakaganda at mala-fairytale ang Faroe Islands na may mga makapigil-hiningang tanawin na isang dahilan para panoorin sa Netflix ang kanyang bagong pelikula.
Si Veronica Velasco ang direktor ng A Faraway Land.
Buong-buo niyang naipakita sa pelikula ang kagandahan ng isla na itinampok ni Jessica Soho sa 15th anniversary presentation ng Kapuso Mo Jessica Soho noong December 2019, kaya binanggit ito sa isang linya ng karakter ni Yen.
Ayon sa report ni Jessica, 50,000 lamang ang populasyon ng mga tao sa Faroe Islands at mas marami pa ang bilang ng mga tupa (70,000), na mapapanood din sa isang eksena nina Yen at Paolo.
Unang nagkatrabaho sina Paolo at Veronica sa Through Night & Day, ang pelikulang tumanggap ng mga papuri, nagpaiyak sa manonood, at matagal na namagyagpag bilang isa sa mga Top Content ng Netflix Philippines noong 2020.
Gaya ng kanyang outstanding performance sa Through Night & Day, hindi binigo ni Paolo ang viewers ng A Faraway Land dahil pinatunayan niyang muli ang husay sa drama at comedy.
Ang Northern Lights: Journey to Love, na ipinalabas sa mga sinehan noong March 2017, ang huling pelikula ni Yen kaya mapapansin sa A Faraway Land ang malaking pagbabago sa kanyang physical appearance.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.