PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

OPM band The Juans no problem with paying taxes from YouTube earnings

OPM band na The Juans, walang problema sa pagpataw ng buwis sa kanilang YouTube
by Jojo Gabinete
Published Aug 18, 2021
Kilalanin ang The Juans members (L-R) na sina Japs Mendoza, RJ Cruz, Carl Guevarra, Josh Coronel, at Chael Adriano (foreground).
PHOTO/S: The Juans

Nakatanggap na ng notice mula sa administrator ng YouTube ang The Juans, ang popular Bulacan-based Filipino rock band tungkol sa pagpapataw ng buwis sa kanilang YouTube channel.

Ang The Juans ay may halos 700,000 subscribers at consistent na maraming views ang kanilang vlogs. Pinakamataas ay umabot ng 53 million views para sa kanilang hit song na "Hindi Tayo Pwede."

Ang natanggap na notice ng The Juans ang patunay na seryoso ang Bureau of Internal Revenue sa pagpapaalala sa mga video blogger at influencers na dapat magbayad sila ng buwis para sa mga kinikita nila mula sa iba’t ibang social media platforms tulad ng YouTube.

Nakasaad sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 97-2021 na inilabas ng BIR noong Lunes, August 16, na nakakatanggap sila ng mga sumbong tungkol sa social media influencers at content creators na malaki ang kinikitang pera pero hindi nagbabayad ng buwis.

Gaya ng ibang mga taxpayer na may kinalaman sa marketing at sales ang pinagkakakitaan, obligado ang mga influencer at content creator na magbayad ng income tax at business taxes o ang 12-percent value-added tax (VAT) dahil ito ang batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malakas sa lahat ng social media platforms ang mga awitin at music video ng The Juans.

Kaya ang kanilang opinyon tungkol sa buwis na ipapataw ng BIR sa mga content creator ang aming itinanong nitong Miyerkules ng hapon, August 18.

Saktong inilunsad nila ang "Dulo, ang bagong single ng grupo sa Viva Records.

Ang The Juans ay nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency, na pagmamay-ari ni Vic del Rosario.

MANAGEMENT HELPS BAND WITH YOUTUBE MANAGEMENT

Para sa lead vocalist na si Carl Guevarra, masuwerte sila dahil ang kanilang talent management agency ang nag-aasikaso sa pagbabayad ng mga tax obligation nila.

Paliwanag ni Carl, "Nagpapasalamat po talaga ako kay Boss Vic dahil yung mga tax na ‘yan ay talagang ini-spare na niya kami sa mga ganyang sakit ng ulo.

"Talagang kami po ay gagawa ng kanta, magpe-perform, uuwi, at mag-aabang ng tseke.

"Sa tax part po, sabi nga nila, choose your battle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So kami, kapag tinitingnan namin yung breakdown kung magkano ang tax, kung minsan, ipinipikit na lang po namin ang mga mata namin or minsan, hindi ko na ipinapakita sa boys."

Pinalakas ni Carl ang loob ng ibang content creators na apektado sa pagpataw ng buwis sa YouTube channels.

Aniya, "To be sensitive sa mga kapwa namin creators, of course, it will affect them.

"Pero kagaya po ng ating laging sinasabi, may mga challenge na darating sa buhay natin na hindi inaasahan.

"But it’s how we evolve, how we rise up to that challenge that will matter in the end."

NEW SINGLE

Nang mapag-usapan naman ang "Dulo," sinabi ni Carl na ang kanilang bagong single ang hudyat ng bagong simula para sa The Juans.

Lahad niya, "After this, we will be releasing a couple more singles and then, release our full album which is something people should look forward to.

"A lot of us are asking, 'Saan nga ba ang dulo nitong paghihirap natin? Kailan matatapos ang pandemya na ito?'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"This song also tells people that they have a choice. Isusuko ba or ilalaban pa?

"We hope the song will help people deal with their losses and look forward to better things ahead."

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kilalanin ang The Juans members (L-R) na sina Japs Mendoza, RJ Cruz, Carl Guevarra, Josh Coronel, at Chael Adriano (foreground).
PHOTO/S: The Juans
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results