PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Legal Wives consultant on polyamorous marriage of Muslims

Kailangan ba ng consent ng first wife bago magpakasal muli ang isang Muslim?
by Jojo Gabinete
Published Aug 16, 2021
In Legal Wives, Dennis Trillo plays a Maranao royalty who marries three women played by Alice Dixson, Andrea Torres, and Bianca Umali.
PHOTO/S: GMA Network

Mapapanood sa Legal Wives ng GMA-7 ngayong gabi, August 16, ang kasalang mangyayari sa pagitan ng mga karakter nina Dennis Trillo at Andrea Torres.

Isang Maranao royalty na puwedeng mag-asawa ng higit sa tatlo ang role ni Dennis sa Legal Wives. Sina Alice Dixson, Andrea, at Bianca Umali ang mga babaeng pakakasalan niya.

Ipinaliwanag ng cultural consultant ng Legal Wives na si Sohaimen Agal, isang Muslim, ang tungkol sa isyung hindi na kailangan ng Muslim men na hingin ang permiso ng kanilang unang asawa kung magpapakasal sila sa pangalawa o pangatlong beses na pagkakataon.

Paglilinaw niya, “Sa Islam, hindi po talaga kailangan ng consent ng first wife.

"Yung lalake, puwede siyang mag-asawa ng pangalawa, kahit hindi alam ng first wife.

"Pero advisable sa lalakeng sabihin niya sa first wife para walang gulong mangyayari.

“Saka, nandoon pa rin ang respect kapag ipinaalam niya sa first wife.

"Pero walang karapatan ang first wife na pigilan ang lalake kapag gusto ng lalake na mag-asawa ng pangalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi rin importante na humingi siya ng consent dahil allowed sa Islam na magpakasal ng maraming beses."

Idinagdag ni Sohaimen na walang nakasaad sa Islam na kailangang may financial capacity ang isang lalake para makapag-asawa ito ng higit sa isa.

Aniya, “Hindi ‘yon kasali sa kundisyon. Kahit sinong lalake, mayaman man o mahirap, puwede siyang mag-practice ng polygamy.

“Puwede siyang mag-asawa ng pangalawa, pangatlo, hanggang pang-apat. Pero mas mainam nang yung maykaya ang mag-dowry dahil hindi ito birong pasukin.

“Kailangan ng financial, kailangan ma-sustain mo yung apat na asawa mo. Kaya kapag mayaman ang lalake, less problem ang mangyari.”

Para patunayan ang punto niya, ginamit ni Sohaimen na halimbawa ang kanyang sariling ama na may tatlong asawa.

“Ang tatay ko, tatlo ang asawa. Usually, ang ugat ng gulo dahil sa financial problem.

"Kapag pobre ang lalake at marami ang asawa, kaya yung gulo, palaging nandiyan.

"Nag-aaway-away ang magpapamilya dahil walang makain, pero hindi requirement na maging mayaman ang lalake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit pobre ka man o mayaman, puwede ka pa rin mag-asawa nang marami."

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Legal Wives, Dennis Trillo plays a Maranao royalty who marries three women played by Alice Dixson, Andrea Torres, and Bianca Umali.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results