PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong Navarro, gustong idiretso ang ibibigay na tulong kay Mura

Vhong, hindi pa naaabutan ng tulong si Mura.
by Jojo Gabinete
Published Aug 14, 2021
Wala pa raw contact si Vhong Navarro (kaliwa) kay Mura (kanan) kaya hindi pa niya naaabutan ng tulong ang dating kasamahan sa pelikula.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Fake news ang YouTube reports tungkol sa diumano’y sorpresa at tulong pangkabuhayan na ipinarating ni Vhong Navarro sa comedian na si Mura.

Ito ay dahil wala pa silang komunikasyon sa isa’t isa.

Totoong nagsalita si Vhong na tutulungan nito si Mura nang malaman niya ang kasalukuyang sitwasyon ng komedyante na naninirahan sa Bicol, pero hindi pa sila nagkakausap.

Sinabi ni Vhong sa brief conversation sa kanya ng Cabinet Files na ipinahahanap pa rin niya ang contact number ni Mura o Allan Padua sa tunay na buhay.

"Wala pa akong contact kay Mura," pahayag ni Vhong.

Nagtanong din sa amin ang It's Showtime host kung may kakilala kaming nakakaalam sa contact number ng diminutive comedian.

Handang-handa si Vhong na tumulong, pero gusto niyang diretso kay Mura at hindi na daraan sa ibang personalidad ang kanyang ibibigay na financial help para hindi maging biktima ang komedyante ng mga taong mapagsamantala.

Malaki ang epekto ng coronavirus pandemic kay Mura dahil bukod sa kawalan ng trabaho, hirap na siya sa paglalakad na epekto ng aksidenteng nangyari sa kanya noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ipagpatuloy ang pag-aartista ang isang paraan na naisip ni Mura—na namumuhay ngayon bilang magsasaka sa bayan nila sa Bicol—para magkaroon siya ng source of income at makatulong sa pamilya niya.

Nananawagan siya mga kakilalang makakatulong sa kanyang pinaplanong showbiz comeback.

Nagkasama sina Vhong at Mura sa mga pelikulang Agent X44 (2007) at SupahPapalicious (2008).

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pa raw contact si Vhong Navarro (kaliwa) kay Mura (kanan) kaya hindi pa niya naaabutan ng tulong ang dating kasamahan sa pelikula.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results