Nadamay si BB Gandanghari sa galit na nararamdaman ng ilang miyembro ng LGBTQ community laban kay Senator Manny Pacquiao.
Ito ay kaugnay ng social media post ni BB tungkol sa pagkikita nila, at sa kanilang Bible study na naganap sa tahanan ng Pambansang Kamao sa Los Angeles, California.
Tila hindi pa nalilimutan ng mga nagagalit na LGBTQ community members ang "masahol pa sa hayop" na pahayag ni Pacquiao noong February 2016 tungkol sa same-sex marriage.
Pahayag ni Pacquiao noon: “As Christian, bawal naman yung same-sex marriage. Ginawa ang babae para sa lalake. Ginawa ang lalake para sa babae.
“Common sense lang, nakakita ka ba ng any animals na lalake sa lalake o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalake o lalake, babae o babae.
“Ngayon kung lalake sa lalake o babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao. Ang hayop lang, hindi talaga puwedeng magsama ang lalake sa lalake.
"Pero I’m not condemning them, yung marriage lang. Commiting sin against God."
Ngayong araw, August 3, ibinahagi ni BB sa kanyang Instagram post ang ilang larawang kuha sa pagkikita nila ni Pacquiao sa tahanan ng athlete-politician.
Caption ni BB: “In good company.
“It was a indeed a pleasure to meet, after a negative swab test, and in fact share a meal with you, Senator Manny Pacquiao. Your humbleness strike me the most…
“Give us a good fight champ. You always do, reason why you’re the greatest boxer the Philippines has ever produced. Simply world class or should I say a class of your own”
NEGATIVE COMMENTS
Pinutakti ng mga negatibong komento ang Instagram post na ito ni BB.
Hindi nagustuhan ng followers ni BB ang mga papuri nito kay Pacquiao kaya ipinaalaala nilang “homophobic” umano ang senador.
Nangangarap maging Pangulo ng bansa si Pacquiao, pero hindi raw nila iboboto dahil sa kanyang anti-gay remarks, limang taon na ang nakalilipas.
Narito ang ilang komento sa post ni BB:




SECOND THOUGHTS
"Noted" ang sagot ni BB sa unfavorable comments na kanyang nabasa, kasunod ang pag-aming nagdalawang-isip siya na pumunta sa bahay ni Pacquiao. Pero maayos naman daw ang trato nito sa kanya.
Sabi ni BB, “I’ve heard of this, and must admit I had my second thoughts of going. I was scared of course, to just even feel I’m being discriminated by the PacMan.
“I’ll definitely look forward to be given the chance to inquire about that and try to know what he truly feels toward the community and towards me as an individual.
“But rest assured, I’ve got the best treatment from @mannypacquiao and the whole Team Pacquiao for that matter, the moment he knew I arrived in his house. Sometimes, action speaks louder than words.”
Pero hindi pa rin nakumbinsi ang ilan na hindi pa nakalilimutan ang mga pahayag ni Pacquiao tungkol sa same-sex marriage, na naging mitsa para alisin ang Pinoy boxer bilang endorser ng Nike.
“We find Manny Pacquiao’s comments abhorrent. Nike strongly opposes discrimination of any kind and has a long history of supporting and standing up for the rights of the LGBT community. We no longer have a relationship with Manny Pacquiao,” opisyal na pahayag ng Nike tungkol sa desisyon nitong putulin ang business relationship nila sa Pinoy boxing camp.
Agad namang humingi ng paumanhin ang Pambansang Kamao.
Pahayag niya noon, "I’m sorry for hurting people by comparing homosexuals to animals. Please forgive me for those I’ve hurt.
"I still stand on my belief that I’m against same-sex marriage because of what the Bible says but I’m not condemning LGBT.
"I love you all with the love of the Lord. God bless you all and I’m praying for you."
Pero hindi ito naging sapat na dahilan para makalimutan ng marami ang kanyang mga sinabi.
Pinararatangan siya ngayong mabait sa mga miyembro ng LGBTQ community dahil sa kanyang planong kumandidato na Pangulo ng Pilipinas sa May 2022 elections.