PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo, dadalo sa 78th Venice International Film Festival

On The Job six-part series, eere na sa HBO Go ngayong Setyembre
by Jojo Gabinete
Published Jul 31, 2021
Dennis Trillo, excited na maging bahagi ng 78th Venice International Film Festival na gaganapin mula Setyembre 1-11, dahil In Competition ang kanyang pelikulang On The Job: The Missing 8 ng Reality Entertainment Inc.

Sigurado na ang pagdalo ni Dennis Trillo sa 78th Venice International Film Festival na magaganap sa September 1 hanggang September 11 dahil In Competition sa naturang filmfest ang pelikulang pinagbibidahan niya, ang On The Job: The Missing 8 ng Reality Entertainment Inc.

Kinumpirma ni Dennis ang biyahe niya sa Venice, Italy sa susunod na buwan sa exclusive interview sa kanya ng Cabinet Files.

Handa na raw siya sa mga ipinatutupad na health protocols tulad ng mandatory quarantine para sa mga taong nanggagaling sa iba’t ibang bansa at dumarating sa Pilipinas.

“Tiyak po ang pagpunta namin sa Venice International Film Festival, inaayos lang po ang schedule. Ilang beses na rin po akong nakabiyahe sa gitna ng pandemya kaya sanay na rin po ako if ever [sa mandatory quarantine] at fully vaccinated na rin po ako, last April pa,” ang sabi ni Dennis na siguradong hindi magkakaroon ng conflict sa taping niya para sa Legal Wives ang kanyang nalalapit na biyahe sa Venice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tungkol sa corruption at media censorship sa panahon ng liderato ni President Rodrigo Duterte ang On The Job: The Missing 8 at sequel ito ng On The Job, ang critically-acclaimed movie ng direktor na si Erik Matti na ipinalabas sa mga sinehan noong August 2013.

Ayon kay Dennis, tulad ng On The Job, political drama ang plot ng On The Job: The Missing 8 at nangyayari sa tunay na buhay ang kuwento ng pelikula na magkatulong na isinulat ni Erik at ng asawa nitong si Michiko Yamamoto.

“Ganun lang po talaga ang kuwento ng On The Job: The Missing 8. Kahit yung first part pa lang ay medyo political drama talaga siya kaya maging dito sa second part ay salamin pa rin sa mga nangyayari sa totoong buhay.”

Naniniwala ba si Dennis na may nagaganap ngayon na media censorhip?

“Sa nakikita ko po ay medyo mahirap na magkaroon ng censorship dahil sa pagiging uncontrollable ng social media at madali ang access nito sa nakararami,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang In Competition ang On The Job: Missing 8 sa 78th Venice International Film Festival dahil ipalalabas sa September ang pelikula ni Dennis sa HBO bilang six-part series na itinuturing niya na isang malaking karangalan.

“Honored po ako na magkaroon ng project na mapapasali at mapapanood sa HBO. Napaka-genius na ginagawa ito nina Direk Erik at Sir Dondon [Monteverde, Reality Entertainment Inc. producer] at ng HBO.

“Panahon na rin para mapanood ang OTJ series sa ibang bansa," ang sabi ni Dennis na umiral ang pagiging mapagkumbaba sa posibilidad na magkaroon siya ng acting nomination sa 78th Venice International Film Festival dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa On The Job: The Missing 8.

“Hindi po ako umaasa na ma-nominate. Ang makadalo sa Venice Film Festival, ang makita ang mga idolo ko at mapansin ang trabaho namin ay sapat na para maging masayang-masaya ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo, excited na maging bahagi ng 78th Venice International Film Festival na gaganapin mula Setyembre 1-11, dahil In Competition ang kanyang pelikulang On The Job: The Missing 8 ng Reality Entertainment Inc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results