PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo receives two good news about his acting career

Dennis, masaya sa positive feedbacks sa Legal Wives.
by Jojo Gabinete
Published Jul 30, 2021
Dennis Trillo on positive feedbacks about Legal Wives: “Bihira pong mangyari ang mga bagay na ‘yon kaya malaking pasasalamat at papuri sa may gawa ng lahat ng ito.”
PHOTO/S: GMA Network

Dalawang magandang balitang may kinalaman sa acting career ni Dennis Trillo ang nangyari noong Lunes, July 26.

Una, ang mga positive feedback sa premiere episode ng kanyang bagong prime-time drama series sa GMA-7, ang Legal Wives.

Pangalawa, In Competition sa 78th Venice International Film Festival (September 1-11) ang pelikulang tinatampukan niya, ang On The Job: Missing 8.

“Sobrang rewarding po ng pakiramdam dahil ito po ay dalawang proyekto na pinagsikapan kong pagbutihin,” sagot ni Dennis nang itanong ng Cabinet Files ang kanyang reaksiyon tungkol sa inspiring news na natanggap niya.

“Sa totoo lang po, nag-e-expect ako ng mga negative feedback, ngunit ipinagkaloob ng Allah na panay papuri at magagandang reaction ang karamihan sa reviews na natanggap namin.

“Masaya po ako na maraming good feedback sa Legal Wives. Bihira pong mangyari ang mga bagay na ‘yon kaya malaking pasasalamat at papuri sa may gawa ng lahat ng ito.”

Isang Maranao royalty na nagngangalang Ismael Makadatu na may tatlong asawa— Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali—ang karakter ni Dennis sa Legal Wives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Out of curiosity, tinanong namin si Dennis kung sa tunay na buhay, may kakilala o kaibigan ba siyang Muslim o Kristiyano na tatlo o higit pa ang bilang ng mga karelasyong babae. May mga prominent Filipino personality kasing hindi inililihim sa publiko ang pagkakaroon nila ng maraming kinakasama.

Sagot ng Kapuso actor, “Wala po akong personal na kilala na nagkaroon ng tatlo o higit pa na asawa.

"Pero malaking bagay po ang Legal Wives dahil mas naintindihan ko ang kultura, kaugalian, at relihiyon nila.

“Talagang mahirap po na malagay sa sitwasyon ng character ko sa seryeng ito, pero tiyak na kapupulutan ng aral ang bawat pagsubok na pagdadaanan niya.”

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo on positive feedbacks about Legal Wives: “Bihira pong mangyari ang mga bagay na ‘yon kaya malaking pasasalamat at papuri sa may gawa ng lahat ng ito.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results