PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diva actress changes attitude towards character actress

Tanong ng diva actress sa character actress: "Kilala ba kita?"
by Jojo Gabinete
Published Jul 29, 2021
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Hindi makapaniwala ang character actress na mabibigyan siya ng regular show sa isang network kaya hindi matapos-tapos ang pasasalamat niya sa production staff member na nagrekomenda sa kanya.

Si character actress ay anak ng isang award-winning actress.

Matagal nang artista ang character actress, pero ngayon lamang ito nakaranas mabigyan ng isang regular show sa telebisyon. Mas madalas na guest lamang siya at maliit lamang ang mga role na ipinagkakatiwala sa kanya.

Parang nanalo sa lotto ang character actress na tuwang-tuwa nang magsimula ang taping niya para sa kanyang regular TV show.

Halos maiyak ang character actress nang malaman nitong kasali rin siya sa presscon ng TV show na kinabibilangan dahil ramdam na ramdam niya ang pagpapahalaga sa kanya ng production staff.

Pero nakaranas din ng discrimination sa set ng TV show ang character actress dahil hindi siya kinakausap at pinapansin sa lock-in taping nila ng isa sa mga mainstay, na kilala sa pagkakaroon ng prima-donna attitude.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Likas na tahimik ang character actress, at hindi nito ipinagmamalaking anak siya ng isang award-winning actress.

Isang araw, tila hindi na nakatiis ang diva actress kaya pinansin nito ang character actress.

Tanong ng diva actress: “Kilala ba kita?”

"Anak po ako ni [pangalan ng award-winning actress]," ang kimi at nahihiyang sagot ng character actress sa kanyang co-star na may intimidating personality.

Nagpakita ng pagkagulat ang co-star dahil nakatrabaho na niya ang ina ng character actress, at isa ito sa kanyang mga iginagalang sa entertainment industry.

Mula noon, nagbago na ang pakikisama at naging magiliw na sa character actress ang co-star na pinangingilagan dahil hindi friendly sa kanyang mga nakakatrabaho.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results