PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Bong Revilla, umikot sa mga binahang lugar sa Cavite

Agimat ng Agila ni Bong Revilla hanggang 13 episodes lang talaga
by Jojo Gabinete
Published Jul 24, 2021
Senator Bong Revilla nag-ikot-ikot sa mga binahang lugar sa Cavite ngayong Sabado, July 24. Ngayong gabi naman ipalalabas ang huling episode ng kanyang fantasy series sa Kapuso Network, ang Agimat ng Agila.
PHOTO/S: GMA Network / Facebook

Ngayong Sabado, July 24, ang huling gabi ng Agimat ng Agila, ang drama fantasy series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla Jr.

Nag-umpisa itong mapanood noong May 1, 2021.

Ikinagulat ng followers ni Bong ang mabilis na pagtatapos ng kanyang TV comeback kaya ipinaliwanag niyang hanggang thirteen episodes lamang talaga ang Agimat ng Agila, pero dapat hintayin ang Book 2 nito.

Pinatotohanan ng isang production staff ang sinabi ni Bong dahil nasa planning stage na ang Season 2 ng top-rating fantasy series ng Kapuso Network.

Nasanay ang fans at supporters ni Bong sa Facebook Live session nito tuwing airing ng Agimat ng Agila.

Pero ngayong Sabado, ang pag-iikot ng senador sa mga bayan ng Cavite na lubog sa baha ang kanilang nasaksihan.

Kasama ni Bong sa pagbisita sa mga apektadong lugar ang kanyang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Mismong si Bong ang nagmaneho ng sasakyan nila ni Jolo habang umiikot sila sa mga lugar na binaha dahil sa walang patid na pagbuhos ng ulan mula pa kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At least makita nila na nadadalaw natin sila, lalakas ang loob nila,” sabi ni Bong.

Paulit-ulit din ang paalaala niyang magsuot ng face mask ang mga taong nakita nilang nagtatampisaw sa baha, dahil matindi pa rin ang banta ng COVID-19.

Hindi nabigo ang mga taong lumapit sa sasakyan na minamaneho ni Bong dahil nakatanggap sila ng financial help mula sa kanya.

"IBA NA TALAGA ANG PANAHON NGAYON"

Sa isang separate Facebook Live post, binanggit ni Bong ang pag-aalala nito dahil sa mga kalamidad na nangyayari—ang malakas na pagbuhos ng ulan, ang pagbaha at ang lindol na naramdaman nitong Sabado ng madaling-araw.

Saad niya, “Iba na talaga ang panahon ngayon. Kung mapapansin natin, yung bagsak ng tubig, mas malalaki, mas matagal. Nakakatakot ito.

"Kagabi, sabi ko, para tayong nao-Ondoy nito kaya ibayong pag-iingat para sa ating mga kababayan dahil talagang nakakatakot yung tubig ngayon, yung baha.

“Sinabayan pa ng lindol kaninang madaling-araw kaya dasal tayo mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi lang ‘yon ang sumasabay, yung baha, lindol, meron pang COVID, ang pinakamatindi at may Delta variant pa."

Sabi pa niya tungkol sa asawa niyang si Bacoor Mayor Lani Mercado, “Si Mayor Lani, sumakit talaga ang ulo niya dahil sa dalawang barangay.

"Although dalawang tao lang pero siyempre, pag na-identify yung isa, tinamaan dun sa isang barangay, yung mga nakapaligid sa community, yung homeowners na katabi niya, e, mala-lockdown din ‘yon dahil iba talaga yung problema, yung Delta variant na ‘yan.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla nag-ikot-ikot sa mga binahang lugar sa Cavite ngayong Sabado, July 24. Ngayong gabi naman ipalalabas ang huling episode ng kanyang fantasy series sa Kapuso Network, ang Agimat ng Agila.
PHOTO/S: GMA Network / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results