PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Entertainment personality tumitindi ang pagkagumon sa alak

Entertainment personality, nadapa at nasugatan dahil sa sobrang kalasingan.
by Jojo Gabinete
Published Jul 23, 2021
drama series blind item

Nag-aalala ang mga kaibigan ng isang multi-awarded entertainer dahil habang tumatagal, lalong tumitindi ang pagkagumon nito sa pag-inom ng alak.

Certified alcoholic pero in denial ang entertainment personality dahil hindi ito naniniwalang lulong na lulong na siya sa masamang bisyo niya.

Nabawasan na ang mga kaibigan at nilalayuan na ang entertainment personality ng kanyang pamilya dahil hindi na siya maawat sa pag-inom ng alak, kahit sa oras ng trabaho niya.

May insidenteng nasugatan ang entertainment personality sa isang TV guesting nang madapa siya dahil sa sobrang kalasingan.

Sa tuwing nalalasing, wala sa katwiran at hindi tumatanggap ng paliwanag ang entertainer na pinanghihinayangan dahil sa kanyang respectable image.

Desidido ang mga nagmamalasakit na kaibigan ng entertainment personality na ipasok siya sa rehabilitation center para matulungan at mabigyan ng lunas ang bisyong unti-unting sumisira sa kanyang pagkatao.

Pero mangyayari lamang ito kung mismong ang may katawan ang papayag na gumaling sa pamamagitan ng professional help.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil in denial ang entertainer na alcoholic at problema ng mga tao sa kanyang paligid, imposibleng matupad ang planong dalhin siya sa rehabilitation center.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results