Ang malulutong na mura at ang pagsasalita ng “Ang laki ng t*t*”—dahil nakita niya ang pagdukot na ginawa ng karakter ni Marco Gumabao sa private part nito—ang ilan sa mga shocking dialogue ni Sharon Cuneta sa official trailer ng Revirginized.
Tiyak na mabibigla at maninibago kay Sharon ang mga tagahanga niyang nasanay nang napapanood siya na prim and proper sa kanyang mga nakaraang pelikula.
Ang direktor ng Revirginized na si Darryl Yap ang unang naglabas ng still photos mula sa pelikula na nagpakita kay Sharon habang dinidilaan nito ang asin sa dibdib ni Marco sa tequila body shot scene.
Ikinaeskandalo ng fans at supporter ng sikat na aktres at asawa ng senador.

May eksena ring umiihi si Sharon sa beach at sumisigaw ng “Wala na akong pake!” habang nakikipag-unahan siya sa pag-ihi sa isang pagong na naglalakad.
Ginamit din sa pelikula ang NNPK (Nanay na Puwedeng K….) na Tagalog abbreviation ng MILF, ang English abbreviation ng malaswang salita sa mga foreign pornsite bilang pagsasalarawan sa karakter na binigyang buhay ni Sharon.
Inaasahan ni Sharon na ikabibigla ng publiko ang mga linya niya sa Revirginized kaya nagbigay siya ng babala nitong Linggo ng umaga, July 4, ilang oras bago inilabas ang official trailer ng kanyang controversial movie.
Nakiusap din ang Megastar na lawakan ng mga tao ang kanilang pag-iisip.
Mensahe ni Sharon, “Hi, everyone! I just KNOW that my role of Carmela in this movie, and THIS TRAILER, and THE MOVIE as a whole, WILL SHOCK YOU.
"Please remember that it is just a movie, just another role that is VERY, VERY DIFFERENT from ALL THE OTHER ROLES you have seen me play.
“And this movie is the opposite of ALL the movies you have ever seen me in! Please broaden your mind, enjoy it, and I sincerely hope you watch it on Vivamax starting August 6!
“It’s gonna be a rollercoaster of a ride, because maninibago po kayong lahat sa akin dito. YOU HAVE NEVER SEEN OR HEARD DIALOGUE FROM ME LIKE YOU WILL IN THIS MOVIE. Please just have fun with it and do not forget that I have earned the right to try out new roles and take on new challenges after 43- years as a singer-actress. Thank you so much. I love you all and am proud of this movie.
“Don’t worry I am still the same “Sharon” who will still be doing the kind of movies you have loved seeing me in! It’s just that once in a while, please allow me to be different - at least on the screen. I am, after all, an actor.
“ And doing all kinds of roles is part of my job! Thanks so much! And PREPARE YOURSELVES, PLEASE! Upo lang po at kapit sa upuan! Kung ako nga na-shock - pero inenjoy ko naman po - sa pinagsasabi at pinaggagawa ko sa movie na ito, kayo pa kaya?! Love you all! God bless us all, always P.S. BAWAL PO MANOOD ANG MGA BATA NG TRAILER!”
Mapapanood ang Revirginized sa VivaMax streaming site simula sa August 6, 2021.
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.