PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Reyes says Pagbigyang Muli not based on Anton Antenorcruz

Arnold, napapayag gawin ang passionate love scene kasama si Ely Cellan.
by Jojo Gabinete
Published Jul 4, 2021
Singer-actor Arnold Reyes (right) stars opposite newcomer Ely Cellan (inset, top left) in the short film Pagbigyang Muli. He clarifies that their short film is not based on the love story of former TNT finalist Anton Antenorcruz (inset, bottom left) who married John Carasig in 2012 when he was just 18 years old.
PHOTO/S: YouTube ./ @pawcastillo / @arnoldreyes2021 on Instagram

Itinanggi ni Arnold Reyes na halaw sa tunay na love story ng Tawag ng Tanghalan Season 2 finalist na si Anton Antenorcruz ang plot ng Pagbigyang Muli, ang short film/music video ng Boy Abunda Originals.

Nag-premiere ang Pagbigyang Muli nitong Sabado ng gabi, July 3, sa The Boy Abunda Channel sa YouTube.

Ang kuwento ng Pagbigyang Muli ay tungkol sa gay couple—na ginampanan ni Arnold at ng baguhang aktor na si Ely Cellan—na naghiwalay dahil sa malaking agwat ng kanilang mga edad at hindi pagkakaintindihan.

Featured performer si Anton sa nabanggit na short film at music video dahil siya ang kumanta ng theme song.

Ang participation niya sa Pagbigyang Muli ang nagpaalala sa viewers tungkol sa same-sex marriage ni Anton at ng kanyang ex-partner, ang 2015 Master Chef Australia contender na si John Carasig, na nangyari noong December 13, 2012.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Top) Arnold Reyes and Ely Cellan; (bottom) Anton Antenorcruz and John Carasig

SAME-SEX MARRIAGE

Eighteen years old lang si Anton nang ikasal sila ni John.

Gaya sa mga karakter sa Pagbigyang Muli, malaki rin ang agwat ng kanilang mga edad.

Lumitaw ang video ng same-sex marriage ng dalawa nang sumali si Anton sa Tawag ng Tanghalan noong 2018, at naging sanhi para maapektuhan ang performance niya dahil sa emotional stress.

Sa panayam ng PEP.ph kay Anton noong July 2018, ipinagtapat niya ang pagsisisi sa pagpapakasal na kanyang ginawa.

“Ang masasabi ko lang po [ay] mali yung decision ko noon. Mali yung decision ko, na ngayon hindi ko na siya uulitin. Padalus-dalos lang po talaga.

“Kumbaga, yung mga life-changing decisions before, noong bata pa ako, di ko pa naisip ang importance ng mga ganung kalalaking decisions.”

Sa pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Arnold nitong Sabado ng gabi, July 3, nilinaw niyang original at hindi base sa love story ni Anton ang kuwento ng Pagbigyang Muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Story ito na develop ni Boy, pinag-usapan nila ni Carlo [Obispo, direktor ng short film at music video],” paliwanag ni Arnold.

PASSIONATE LOVE SCENE

Pumayag si Arnold na maghubad at gawin ang maalab na love scene nila ni Ely dahil kailangan sa kuwento.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Arnold, “Napapayag akong gawin dahil alam naman ng lahat na, bilang aktor, gagawin ko ang kailangan kapag naniniwala ako sa proyekto.

“Naantig din ang puso ko ng story na alam kong marami ang makaka-relate. Magaling ang direktor ko na si Carlo Obispo at ang director of photography na si Marvin Reyes.

“Magaling din si Ely na dumaan sa audition. Marami siyang kasabayan sa audition pero nakitaan namin siya ni Boy ng lalim kaya napaoo ako sa maseselang eksena.

"Sa totoo lang, inisip ko, 'Kaya ko pa ba? Hindi na ako bumabata.'

“Kung mapapansin ninyo, kahit ang love scene namin ni Ely, may kuwento, may journey, kaya proud ako sa short film/music video na 'to. Grateful ako na ako ang napiling gumanap bilang Arvin.

“Sa gitna ng pandemyang ito, isang malaking blessing ang makagawa ng pelikulang ikaka-proud ko bilang aktor.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Arnold Reyes (right) stars opposite newcomer Ely Cellan (inset, top left) in the short film Pagbigyang Muli. He clarifies that their short film is not based on the love story of former TNT finalist Anton Antenorcruz (inset, bottom left) who married John Carasig in 2012 when he was just 18 years old.
PHOTO/S: YouTube ./ @pawcastillo / @arnoldreyes2021 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results