Tahimik na bumalik ng bansa nitong Huwebes ng umaga, July 1, si reigning Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.
Halos tatlong buwang namalagi si Rabiya sa Amerika mula nang umalis siya sa Pilipinas noong April 9 para maging kinatawan ng ating bansa sa 69th Miss Universe, na naganap noong May 16 sa Hollywood, Florida, USA.
Sa kanyang pagbabalik, plano ng Miss Universe Philippines Organization na magkaroon ng face-to-face welcome presscon para kay Rabiya pagkatapos ng mandatory quarantine nito na ipinatutupad sa lahat ng mga Pilipinong bumabalik mula sa biyahe nila sa ibang bansa.
Fully vaccinated (including required 14-day post-vaccination period) ang requirement para sa lahat ng mga imbitado sa welcome presscon para sa proteksiyon at kaligtasan ng lahat kaya kailangan nilang dalhin ang kanilang mga vaccination card bilang ebidensiya.
Ang face-to-face presscon ang hudyat ng dahan-dahang pagbabalik sa normal na buhay.
Bukod sa binabalak na welcome presscon para kay Rabiya, nagsimula na rin ang face-to-face presscon ng Viva Films at nangyari ito sa media conference ng Gluta noong June 21, 2021.
Ang Gluta ang pelikulang pinagbibidahan nina Ella Cruz at Marco Gallo na magsisimula ang streaming sa VivaMax sa Biyernes, July 2.
Bago inumpisahan ang presscon ng Gluta, sama-samang sumailalim sa COVID-19 swab test ang lahat ng mga artista ng pelikula at ang limited number of press people na imbitado para makatiyak na negatibo sila sa coronavirus bago sila nagpunta sa event venue.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.