PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval says dad Jeric Raval has accepted her sexy image

AJ Raval, inaming may orgy scene sa upcoming movie niya.
by Jojo Gabinete
Published Jun 28, 2021
AJ Raval on her family's reaction to her sexy image: “Tinanggap na nila na nagpapaseksi ako, lalo na po yung tatay ko. Alam ko na naiintindihan niya dahil artista rin siya. Ang lagi lang nilang sinasabi sa akin ngayon, magpakabait at galingan ko ang acting.” AJ is the daughter of action star Jeric Raval (right photo, with AJ).
PHOTO/S: @ajravsss on Instagram

Magsisimula sa Miyerkules, June 30, ang unang araw ng lock-in shooting ng Taya, ang pelikulang pagbibidahan ng sexy star na si AJ Raval kasama ang Anak ng Macho Dancer star na si Sean de Guzman.

Naganap ang story conference ng Taya ngayong Lunes ng hapon, June 28.

Dito sinabi ng direktor na si Roman Perez Jr. na ang bagong pelikula ni AJ ang pinakamapangahas sa lahat ng kanyang mga proyekto.

Mas matindi pa raw ang mga eksena nito kesa sa Adan, ang launching movie nina Cindy Miranda at Rhen Escaño noong 2019.

Nang tanungin kung totoong may orgy scene ang Taya, “Abangan po natin” ang sagot ni Roman.

Pero sumingit si AJ sa pagsasalita niya.

Sabi ng sexy star, “Na-convince kami ni Direk… hindi lang po namin titingnan yung sexy scene, yung sexy part [dahil] mismong yung story, sobrang ganda.”

Naging isyu noon ang pagpapaseksi sa pelikula ni AJ dahil mahigpit ang pagtutol ng kanyang ama na si Jeric Raval.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa story conference ng Taya, sinabi ni AJ na tanggap na ni Jeric ang mga ginagawa niya sa harap ng kamera.

Saad niya, “Tinanggap na nila na nagpapaseksi ako, lalo na po yung tatay ko. Alam ko na naiintindihan niya dahil artista rin siya.

“Ang lagi lang nilang sinasabi sa akin ngayon, magpakabait at galingan ko ang acting.”

Kahit hindi na problema sa pamilya niya ang mga sexy scene sa pelikula, may sariling isyu si AJ.

Ito ay ang mga marka sa katawan niya na nagdudulot sa kanya ng insecurity na madaling mabibigyan ng solusyon sa tulong ng mga mahuhusay na dermatologist.

Ayon kay AJ, “Sa age ko po, dumaraan siguro lahat ng tao na makakaramdam ka ng insecurity hanggang sa matutunan mo na mahalin ang sarili mo, siguro ganoon pa po ako.

“Nasa stage pa po ako na nai-insecure ako sa sarili ko pero inaaral ko po kung paano mahalin yung sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang insecurity ko, yung balat ko. Kasi noong bata ako, malikot ako, palagi akong nadadapa, nahuhulog, nasusugatan, nagkaroon ako ng maraming marks sa katawan.”

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on her family's reaction to her sexy image: “Tinanggap na nila na nagpapaseksi ako, lalo na po yung tatay ko. Alam ko na naiintindihan niya dahil artista rin siya. Ang lagi lang nilang sinasabi sa akin ngayon, magpakabait at galingan ko ang acting.” AJ is the daughter of action star Jeric Raval (right photo, with AJ).
PHOTO/S: @ajravsss on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results