PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbara Milano says PNoy was her inspiration in joining politics

“Marami akong natutunan sa kanya, as in marami."
by Jojo Gabinete
Published Jun 28, 2021
Barbara Milano on late former President Noynoy Aquino: "Sinabi niya sa akin na ‘Kung maglilingkod ka, unahin mo ang kapwa mo. Unahin mo ang maliliit na tao dahil ang pamilya, nandiyan lang, pero yung mga taong nangangailangan sa 'yo, kung kailan ba mamamatay na ang isang tao, saka ka kikilos?’"

Nahalal na konsehal ng Talavera, Nueva Ecija noong 2004 ang dating sexy star na si Barbara Milano.

Ipinagmalaki ni Barbara na malaki ang naging impluwensiya sa kanya ng yumaong si former Philippine President Noynoy Aquino kaya nagdesisyon siyang pumasok din sa pulitika.

Congressman si Noynoy ng second district ng lalawigan ng Tarlac nang makilala niya si Barbara sa pamamagitan ng blind date sa isang Japanese restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, noong 2000.

Isang bahagi ito ng buhay ni Barbara na hinding-hindi niya makalilimutan dahil pinaglaanan siya ng panahon at atensiyon ng isang lalakeng mula sa maykaya at kilalang pamilya sa lipunan.

Sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Barbara, binanggit nitong malaki ang kinalaman ni Noynoy sa kanyang political career noong 2004.

"Correct, one hundred one percent, may impluwensiya ni Noynoy ang pagiging public servant ko," sabi ni Barbara, na sampung buwang nakarelasyon ni Noynoy mula 2000 hanggang 2001.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakita ko sa kanya na matalino siya noong nag-uusap kami, siyempre inuumaga kami sa pagkukuwentuhan.

“Magkikita kami, dinner time, ihahatid niya ako sa bahay 4 a.m. na. Ganoon siya kakuwento.

“Ewan ko, hindi ako inaantok kapag nag-uusap kami. Marami siyang kuwento na parang magandang gayahin. Gusto ko ganoon.

“Marami akong natutunan sa kanya, as in marami.

"Sinabi niya sa akin na ‘Kung maglilingkod ka, unahin mo ang kapwa mo. Unahin mo ang maliliit na tao dahil ang pamilya, nandiyan lang, pero yung mga taong nangangailangan sa 'yo, kung kailan ba mamamatay na ang isang tao, saka ka kikilos?’

“Ganoon ang mga kuwento at explanation niya sa akin. Magaganda ang mga plano at vision niya na talagang hinangaan ko sa kanya.

“Natatandaan ko may interbyu sa kanya noon. Sinabi niya na 'Kung tatanda ako, gusto ko tumanda sa paglilingkod,'” pagbabalik-alaala ni Barbara.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napaluha ang dating sexy star nang malaman niya ang balita tungkol sa pagpanaw ni Noynoy noong June 24, 2021. Bumalik daw sa kanya ang maliligayang araw nila.

"Siya talaga ang naging inspirasyon ko sa pagpasok ko noon sa public service.

"Low profile talaga siya. Hindi siya mayabang. Hangga’t maaari nga, nandoon lang ang usapan, umiikot-ikot.

"Ang iniisip niya palagi, ang mga tao. Hindi siya makasarili.

"Sa sampung buwan na relasyon namin, hindi ko siya nakita na nagalit. Mabait talaga siya."

"Babes" ang term of endearment nina Barbara at Noynoy sa isa’t isa, pero hindi nagkaroon ng closure ang kanilang sampung buwang relasyon dahil bigla na lamang naputol ang komunikasyon nila.

Nang mahalal si Noynoy na Presidente ng Pilipinas noong 2010, hindi raw gumawa ng paraan si Barbara na makausap ang dating karelasyon.

Aniya, “Hindi na ako nag-reach out sa kanya kasi, unang-una, sino ba ako para mag-reach out? Magkaiba ang level namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nalulungkot lang ako para sa kanya. Kilalang tao siya pero hindi nagkaroon ng asawa, hindi nagkaroon ng anak.”

Nag-umpisa noong 1999 ang showbiz career ni Barbara nang ipakilala siya ng Starlight Films sa pelikulang Favorite Subject: Sex Education.

Mahigit sa labindalawang pelikula ang ginawa ni Barbara mula 1999 hanggang 2002, at sexy movies ang karamihan.

Si Barbara ang leading lady ni Manny Pacquiao noong struggling boxer pa lamang ito sa 2001 film na Basagan ng Mukha.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Manny Pacquiao and Barbara Milano

Ang Virgin People III, na mula sa direksyon ni Celso Ad Castillo, ang kanyang huling pelikula bago siya pumasok sa mundo ng pulitika sa Nueva Ecija noong 2004.


HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbara Milano on late former President Noynoy Aquino: "Sinabi niya sa akin na ‘Kung maglilingkod ka, unahin mo ang kapwa mo. Unahin mo ang maliliit na tao dahil ang pamilya, nandiyan lang, pero yung mga taong nangangailangan sa 'yo, kung kailan ba mamamatay na ang isang tao, saka ka kikilos?’"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results