PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Female star, tumatakas sa lock-in taping kapag sinusundo ng actor-boyfriend

Female star, pasaway sa lock-in taping ng isang sitcom.
by Jojo Gabinete
Published Jun 3, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Kinaiiritahan ng staff at mga artista ng isang sitcom ang female star dahil insensitive at inconsiderate ito sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Bilang proteksiyon ng lahat laban sa COVID-19, lock-in ang taping ng sitcom sa isang bayan sa Rizal.

Bago magsimula ang lock-in shoot, sumasailalim ang lahat sa RT-PCR test para matiyak ng production na negative ang lahat sa COVID-19.

Mahigpit na ipinatutupad ang hindi pag-alis sa set o pag-uwi sa bahay ng lahat ng mga kasali sa taping.

Pero pasaway ang female star dahil tumatakas ito kapag sinusundo na siya ng kanyang actor-boyfriend.

Ang buong akala ng female star, hindi malalaman ng production staff at ng kanyang co-stars ang pagtakas niya mula sa lock-in taping.

Ang hindi alam ng pasaway na female star, mismong ang kanyang personal assistant ang nagkukuwento tungkol sa pag-alis niya sa set.

Nagpositibo noon sa COVID-19 ang personal assistant sa unang cycle ng lock-in taping ng sitcom dahil kahit may sipon at lagnat, isinama pa rin siya ng female star sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Luckily, walang nahawa sa staff at stars ng sitcom dahil nagnegatibo sila sa exit antigen test. Pero ikinabahala nila nang todo ang nangyari.

Ang magbago ang ugali, magkaroon ng disiplina sa sarili, matuto ang female star na magpahalaga sa kapakanan at kalusugan ng ibang mga tao ang hiling ng kanyang mga kasamahan sa sitcom na nais lamang magtrabaho nang maayos para sa kanilang mga pamilya.

May kasalanan din ang actor-boyfriend sa inaasal ng kanyang girlfriend dahil hindi niya nirerespeto ang oras ng lahat ng mga sangkot sa sitcom.

Bilang artista, alam ng actor-boyfriend na dapat maging propesyunal sila sa trabaho, lalo na sa panahon ng coronavirus pandemic.

Pero imbes na pagsabihan ang kanyang girlfriend, siya pa ang kumukunsinti dahil sinusundo niya ang female star sa tuwing tumatakas ito mula sa mahigpit na lock-in taping ng sitcom.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results