Araw-araw na taimtim na nagdarasal sa Panginoong Diyos si Eugene Domingo para mabawasan ang kanyang mga pangamba na dulot ng coronavirus pandemic.
Natutunan din ni Eugene sa panahon ng pandemya na mga simpleng bagay ang tunay na nakapagpapasaya sa ating lahat.
Sabi niya sa exclusive interview ng Cabinet Files: "Importante ang pagdarasal every day para sa lahat, sa sarili mo, pamilya mo, mga kaibigan mo, sa ating bansa, at buong mundo.
"Nakatulong din talaga ang exercise dahil sa dami ng kaibigan ko na nagtitinda ng mga pagkain online, siyempre lahat ‘yan kakainin mo bilang support sa local business nila.
"Kailangan ang exercise dahil alam niyo naman ang ehersisyo ay nakakatulong para sa happy hormones.
"At mari-realize mo yung simple things that will make you happy. Yun naman talaga ang magandang naidulot ng pandemya."
PROUD OF THE TEAM BEHIND DEAR UGE
Nagkuwento rin si Eugene sa kanyang comedy anthology sa GMA-7, ang Dear Uge, na maglalabas muli ng fresh episodes simula sa Linggo, May 30.
Proud ang actress-host dahil hindi biro ang bumuo ng content sa gitna ng restrictions gawa ng pandemya.
Lahad niya: "Marami akong learnings na puwede nating i-incorporate sa ating trabaho. Adjust, adjust din and be flexible.
"Sabi ko nga, Dear Uge is the most flexible show in the planet kasi talagang sumasabay siya. Kailangan natin ituloy yung responsibilidad sa ating manonood na bigyan sila ng magagandang palabas.
"Alam naman natin na ang buong mundo ay dumadaan sa krisis, so pati kami sa creative, sinubukan talaga naming mag-adjust.
"Pero hindi kami tumiwalag doon sa objective namin na makapag-entertain at makapagbigay ng aral sa ating mga kuwento.
"Hindi tayo mapipigilan ng krisis o pandemya. Ipagpapatuloy pa rin namin ang aming responsibilidad bilang entertainers and artists. Yun ang natutunan ko."
Ganado raw siyang magtrabaho dahil hindi bumibitaw ang mga masugid na tagasubaybay ng show.
"When you fulfill your job... This is not even a job, this is your passion as an artist, yun ang nakakadagdag ng life.
"I’m very thankful, at this point, si Dear Uge nandiyan pa rin at sinusuportahan ng GMA at ng ating loyal viewers."

STORIES OF HOPE AND INSPIRATION
Kasangga raw ng Kapuso viewers ang Dear Uge pagdating sa pagbibigay inspirasyon on sa mga ito.
Sabi pa ni Eugene: "Marami ang nalulungkot, nawawalan ng pag-asa, nagkakaroon ng mga frustration at disappointment.
"Hindi ko masasabing matutulungan kayo ng Dear Uge sa lahat ng problema, pero puwede namin kayo mapasaya at mabigyan ng konting pag-asa sa munting aral na mapapanood niyo sa aming mga kuwento.
"Ang stories naman namin laging may pagpapahalaga sa relationships, sa sarili, sa katuwang mo sa buhay at sa negosyo, para lang magbalik ang tiwala sa sarili, sa kapwa tao at kagandahan ng loob ng bawat isa.
"Let’s not lose hope when it comes to the goodness of others."