Ang lead stars ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam at magkasintahang sina Kim Molina at Jerald Napoles ang special guests sa PEP Live ngayong Huwebes ng gabi, May 28.
Walang pakiramdam dahil may congenital insensitivity pain (CIP) ang karakter ni Kim sa bagong pelikula nito.
Pero inilabas niya sa PEP Live ang lahat ng mga tunay na nararamdaman lalo na nang mapag-usapan ang isyu tungkol sa kanyang pagseselos sa tambalan nina Jerald at Sunshine Guimary sa Kaka.
Diretsahang sinabi ni Kim na suportado nito ang partisipasyon ni Jerald sa launching movie ni Sunshine, pero hindi niya panonoorin ang Kaka na magsisimula ang streaming sa VivaMax, ktx.ph, iWantTFC, at TFC IPTV bukas, May 28.
Sa mga interbyu kay Kim, hindi nito itinatangging pinagselosan niya ang pagtatambal ng kanyang boyfriend at ng sexy star mula sa Cebu dahil lock-in ang shooting ng pelikula.
“Never akong nagsinungaling o nagtago ng kung anong nararamdaman ko kahit ako ang babaeng walang pakiramdam.
“It was very new to me. Lahat ng mga nangyayari ngayon, kesyo nagbibida kami ni Jerald, nagho-host sa mga show. Lahat, 'O, anong nangyayari?'
“Tapos hindi ko rin ine-expect na siyempre, dyowa ko artista rin, pareho kami. Basically, we’re like the opposites of each other. Ako yung babaeng version niya and vice versa.
“Nagulat talaga akong gagawin na niya, pero at the same time, nirespeto ko yung kung ano yung gustong gawin ni Jerald as an artist.
"But also, I was very honest with how I felt about it because lock-in shoot kasi siya, so meron ako na… yung Momol Nights, hindi ‘yon lock-in na nakakauwi ako,” paliwanag ni Kim tungkol sa pinag-ugatan ng pagseselos niya sa pagsasama nina Jerald at Sunshine sa Kaka.
LOVE SCENE WITH KIT THOMPSON
Hindi nakaligtaan ni Kim na ikuwento sa interbyu ni Jimpy Anarcon sa PEP Live na iniyakan niya ang unang araw ng shooting ng love scene nila ni Kit Thompson sa Momol Nights para maunawaan ng publiko ang pinagmulan ng kanyang pagseselos.
Lahad niya, “Trivia, when I did Momol Nights, yung first bed scene ko with Kit, after that umiyak ako. Nagpunta ako sa banyo, ang feeling ko, 'Masama ba ako?'
“May ganoon akong feeling kasi I’m very particular with touch. I’m very particular with kisses, with touch, gusto ko boyfriend ko lang.
“E, artista kaya meron akong I have to be professional about this, so I have to respect Jerald and I have to support him on whatever he wants to do with his career.
“So I told Jerald everything that I felt about it and then, nirespeto niya naman. He was very precise and he was very detailed with everything that happened.
“Ako naman, I’m very grateful to the production, sa mga boss namin sa Viva, yung parang ginuide nila ako tapos tinulungan nila ako, ‘O, Kim, ganito talaga. Artista talaga kayo.'
"Baka hindi na magkaroon nang ganyan si Jerald tapos meron naman akong no, okay lang. Pinagdaanan ko lang siya pero okay na.”
Pero nang tanungin kung panonoorin niya ang Kaka, "Hindi!" ang mabilis na sagot ni Kim.
“Hindi ko kaya! Alam ko yung script pero meron akong 'I will support you but I don’t wanna see!'”
Ang Momol Nights ang 2019 movie nina Kim at Kit na No. 3 ngayon sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines.
Kung magkakaroon si Kim ng lakas ng loob na panoorin ang Kaka, mapagtatanto niyang mas mabangis ang bed scenes nila ni Kit sa Momol Nights.
Ang kaibahan lang, bandida si Sunshine sa pagpapakita nito ng hubad na katawan sa Kaka.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.