Nagbabalik sa local entertainment industry ang former Goin’ Bulilit star na si Nikki Bagaporo. Pero hindi na aktres kundi bilang isang recording artist.
Pitong taon si Nikki nang sumali siya noong 2005 sa auditions para sa mga batang bagong miyembro ng defunct sketch comedy program ng ABS-CBN/
Hindi raw niya inasahang mapipili dahil sa kawalan ng acting experience.
Pagbabalik-alaala ni Nikki, “Nang mag-audition ako sa Goin’ Bulilit, tinanong ako noon, 'Marunong ka bang umarte?' Sabi ko, 'Hindi po, pagkanta lang po ang alam ko.'
“Yung mga musical segment sa Goin’ Bulilit, laging ipinapagaya sa akin sina Whitney Houston at Charice Pempengco. Ipinakakanta rin sa akin ang mga kanta ni Sarah Geronimo.”
Halos anim na taon siyang naging mainstay sa Goin’ Bulilit.

Nang tumuntong si Nikki sa awkward age, nagpaalam siya sa pambatang programa ng Kapamilya Network.
Ibinuhos niya ang kanyang atensiyon sa pag-aaral pero tumatanggap pa rin siya ng mga guesting sa Maalaala Mo Kaya, Ipaglaban Mo, at ibang TV series ng ABS-CBN.
“Inuna ko po ang studies ko dahil hindi naman ako nakakatanggap ng big roles,” nagpakatotoong sabi ni Nikki.
Maging isang full-time recording artist/composer ang pangarap ni Nikki mula noong bata pa siya, at naging instrumento lamang ang pag-arte niya sa Goin’ Bulilit para makapasok sa show business.
Hindi madali para kay Nikki ang pagbabalik sa showbiz.
Nang umalis siya sa Goin’ Bulilit, nawalan na rin siya ng mga project sa telebisyon, isang malungkot na katotohanang pinagdaanan ng karamihan sa mga dating child star.
“Naging mahirap. Hindi ko po alam kung saan ako magsisimula. Wala pa akong manager at that time.
“Nawala na po ako sa Goin' Bulilit, nawala na rin ako sa Star Magic, at hindi na masyadong nagbibigay ng opportunities ang ABS-CBN.
“Hindi ko po alam kung paano uumpisahan ang music career ko at that time. Thankfully may friends ako sa industry na natulungan po ako.”
NEW CAREER PATH
Twenty-four years old na ngayon si Nikki.
May direksiyon na ang kanyang singing career dahil sa tulong ng singer-actor na si Guji Lorenzana, ang manager niya at head ng talent management company na Open Door Artists.
Sabi ni Nikki, “Si Guji Lorenzana, siya po talaga ang manager ko, and I signed with him and he introduced me to Viva Records.
“Dun nag-start ang singing career ko. They asked me if I want to release my songs kasi nagparinig po ako ng mga demo.”
Ang "MU o Malabong Usapan" ang bagong single ni Nikki na popular ngayon sa mga kabataan dahil nakikita nila ang mga sarili sa lyrics ng kanta.
Ang mga personal na karanasan at social media posts na kanyang nababasa ang ginamit daw ni Nikki na inspirasyon para mabuo niya ang "MU."
Saad niya, “Based on experience, pero more on sa mga nakikita ko sa social media na mga conversation na ang tagal-tagal na nilang nag-uusap na magka-M.U. sila and then wala silang label.
“Sabi ko, naka-relate ako, so ginawan ko ng kanta para maka-relate din ang ibang mga tao.
"Pero ayoko yung kanta na nakakalungkot dahil there’s something funny about MU din dahil pareho lang kayong mukhang shunga [read: tanga]."
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.