Bida agad si Sean de Guzman sa kanyang unang pelikula, ang Anak ng Macho Dancer, ang pinaka-daring project niya dahil pumayag siyang magkaroon ng frontal nudity scene.
Kasama si Sean sa cast ng Nerisa, ang sexy movie na pagbibidahan ni Cindy Miranda. Pero si AJ Raval ang leading lady niya.
Sa recent story conference ng kanyang bagong project, sinabi ni Sean na medyo magkakaroon siya ng limitasyon sa paghuhubad pagkatapos niyang ipakita ang lahat sa Anak ng Macho Dancer.
“Sa ngayon po, may binabalak ang Viva for me, and I trust them.
"Sa tingin ko po dahil naghubad na ako sa Anak ng Macho Dancer, medyo pahinga muna nang konti," pahayag ni Sean.
Natutuwa ang baguhang aktor dahil babae naman ang kapareha niya sa Nerisa. , kumpara sa Anak ng Macho Dancer kung saan puro mga lalake ang ka-bed scene niya.
"Yung mga nakaeksena ko before, challenge ‘yon sa akin as an actor and newcomer. Pero natuwa ako nung malaman ko na babae naman ang makakapareha ko.
“Sabi ko, 'Bago! Bago!' Excited akong makatrabaho, hindi lamang si AJ Raval kundi pati yung co-actors ko sa Nerisa.”
Ang Nerisa ang isa sa dalawang pelikulang pagsasamahan nina Sean at AJ. Sila rin ang magkapareha sa suspense-thriller sexy movie na Taya na mula sa direksiyon ni Roman Perez Jr.
Supposedly, uumpisahan sa June 10 ang lock-in shoot ng Taya sa mga motel sa Caloocan City. Pero nagkaroon ng pagbabago dahil unang sinimulan ang shooting ng Nerisa.
Ipinagpaliban sa July 1 ang first shooting day ng Taya para maiwasan ang conflict sa schedule nina Sean at AJ.
Masayang-masaya si Sean dahil sunud-sunod ang kanyang mga project mula nang ipakilala siya bilang lead actor sa Anak ng Macho Dancer.
Nagagalak si Sean dahil hindi siya nawawalan ng trabaho, kahit may pandemya.
"Sobrang tuwa because despite the pandemic, merong ganitong opportunity na ibinigay sa akin. Sobrang saya ko po dahil nakapasok ako sa ganitong industriya,” ani Sean.