PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica admits he and wife Kylie went through a marital problem

"Nagkaproblema kaming dalawa at na-mismanaged namin."
by Jojo Gabinete
Published May 24, 2021
Hindi itinanggi ni Aljur Abrenica na nagkaroon sila ng problema ng kanyang asawa na si Kylie Padilla, pero para sa aktor ay normal na dumarating sa mag-asawa.
PHOTO/S: @aljurabrenica on Instagram

“It was mismanaged.”

Ito ang sagot ni Aljur Abrenica tungkol sa naging problema sa pagsasama nila ng kanyang misis na si Kylie Padilla.

Nagkaroon ng mga haka-haka noong February 2021 na may pinagdaraanan ang relasyon ng dalawa dahil sa mga social media post ni Kylie.

Si Aljur ang leading man ni Cindy Miranda sa Nerisa, ang upcoming sexy drama movie ng Viva Films na nagkaroon ng virtual story conference ngayong Lunes ng hapon, May 24.

Isa sa mga itinanong kay Aljur sa story conference ay ang nangyari sa pagsasama nila ni Kylie noong Pebrero.

Hindi niya itinangging nagkaroon sila ng problema na para sa kanya ay normal na dumarating sa mag-asawa.

Sabi ni Aljur, “Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan. Nagkaproblema kaming dalawa at na-mismanaged namin.”

Hindi na siya nagkuwento tungkol sa ugat ng kanilang hindi pagkakaunawaan, pero iginiit ni Aljur na maayos na ang pagsasama nila ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsalita si Aljur na ginagawa nito at ng kanyang asawa ang lahat ng makabubuti para sa kanilang dalawa at sa mga anak nila.

Ang Nerisa ang unang pelikula ni Aljur sa Viva Films. Magsisimula sa darating na Miyerkules, May 26, ang shooting nila.

Si Lawrence Fajardo ang direktor ng Nerisa.

Ito po ang pangalawang beses na makakatrabaho ni Direk Lawrence si Aljur dahil siya rin ang direktor ng Mamasapano, ang drama action movie tungkol Mamasapano massacre na naganap noong January 25, 2015.

Sina AJ Raval, Guji Lorenzana, Sean de Guzman, Sheree Bautista, Gwen Garci, Bembol Roco, at Elizabeth Oropesa ang co-stars nina Cindy at Aljur sa Nerisa.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi itinanggi ni Aljur Abrenica na nagkaroon sila ng problema ng kanyang asawa na si Kylie Padilla, pero para sa aktor ay normal na dumarating sa mag-asawa.
PHOTO/S: @aljurabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results