PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Bang sends cash gift to mom in Korea on Mother's Day

"Kailangan talaga ng mga mommy sa kanilang anak, oras, e."
by Jojo Gabinete
Published May 10, 2021
Naniniwala si Mommy Issues star Ryan Bang na mas matimbang ang quality time kaysa anupamang regalo para ipadama ang pagmamahal sa kanyang ina na nasa Korea ngayon. "Kaya yung mga kabataan ngayon, kapag kasama talaga niyo ang mommy niyo, napakasuwerte niyo," sabi ni Ryan.
PHOTO/S: @ryanbang Instagram

Inulit ni Ryan Bang, 29, ang kanyang sinabi noon sa digital presscon ng Mommy Issues na ang pagdedeposito ng pera ang makakapagpaligaya sa mga nanay kaya ito ang ginagawa niya.

Nagsanib-puwersa ang Regal Entertainment Inc. at ang TikTok sa pagdiriwang ng Mother's Day kahapon, May 9, sa pamamagitan ng live chat.

Nilahukan ito ng Mommy Issues stars na nagbahagi ng mga karanasan nila sa kanilang mga ina.

Isa si Ryan sa mga nagkuwento tungkol sa kanyang mga ginagawa para sa kanyang nanay kapag ginugunita ang Araw ng mga Ina tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Mayo.

Higit sa cash allowance na ibinibigay niya sa ina, mas matimbang daw sa ina niya ang makapiling sana siya.

Lahad ni Ryan: "Yung mommy ko, nagsu-surprise ako. Minsan, dinadalhan ko siya ng bulaklak.

"Kailangan talaga ng mga mommy sa kanilang anak, oras, e. Hindi nila kailangan yung malaking regalo o pera.

"Gusto lang talaga ng mommies, ang hinihingi nila, oras mula sa kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Minsan, nagtatampo yung mga nanay niyo kasi yung mga anak, kapag may dyowa, gumagawa ng paraan para magkaroon ng oras. Pero kapag nandiyan yung mga mommy, naiilang sila.

"Mas gusto nila kasama ang mga tropa, kaya ang mommies, kailangan niya oras."

Matagal nang hindi nagkikita nang personal si Ryan at ang kanyang ina na naninirahan sa South Korea dahil sa coronavirus pandemic.

Para makabawi sa pangungulila ng nanay niya, nagpapadala si Ryan ng pera, at ito umano ang nagpapasaya sa kanyang ina.

"Dahil sa pandemic, matagal na akong hindi umuuwi sa Korea kaya ang ginagawa ko, hindi naman talaga malaking pera, e, pero idini-deposit ko na lang para kahit papaano, yun lang naman ang paraan para mapasaya ko yung mommy ko sa Korea."

Sabay nagbigay si Ryan ng mahabang pangaral para sa mga kabataang ipinagwawalang-bahala ang kanilang mga magulang at pamilya.

"Kaya yung mga kabataan ngayon, kapag kasama talaga niyo ang mommy niyo, napakasuwerte niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malalaman niyo 'yon balang-araw kapag naghiwalay kayo o kapag nawala sa paligid ninyo ang mommies niyo, habambuhay kayo magsisisi.

"Kaya habang nandiyan pa ang mga nanay o pamilya niyo, gumawa kayo ng paraan para mag-bonding and spend the time para masaya."

Sabay hirit ng comedian-host: "Pero ang pinakamasaya talaga sa mommy, i-deposit na lang, ipadala ang pera. Iyon ang pinakamasaya!"

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naniniwala si Mommy Issues star Ryan Bang na mas matimbang ang quality time kaysa anupamang regalo para ipadama ang pagmamahal sa kanyang ina na nasa Korea ngayon. "Kaya yung mga kabataan ngayon, kapag kasama talaga niyo ang mommy niyo, napakasuwerte niyo," sabi ni Ryan.
PHOTO/S: @ryanbang Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results