PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gloria Diaz on Rabiya Mateo's chance of winning the crown

Gloria Diaz: "I can never tell but she is really deserving."
by Jojo Gabinete
Published Apr 29, 2021
Miss Universe 1969 Gloria Diaz (left) on Miss Universe Philippines 2020: “Maganda siya. Actually, ang dami kong nakikitang photos niya and she seems to be a very nice girl. Alangan naman sabihin ko pangit siya, ‘no?"
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Si Gloria Diaz ang kauna-unahang Pilipina na nagwaging Miss Universe noong 1969.

Mula noon hanggang ngayon, pinahahalagahan ng marami ang kanyang opinyon at obserbasyon tungkol sa mga kandidatang ipinapadala ng ating bansa sa nabanggit na international beauty pageant.

Si Gloria ang gumaganap na nanay ni Pokwang sa Mommy Issues, ang Mother’s Day offering ng Regal Entertainment Inc.

Sa virtual presscon ng pelikula na naganap nitong Huwebes ng hapon, April 29, ang reaksiyon ng former Miss Universe sa report ng isang pageant website na number one na ang Pilipinas sa pinakamaraming nakuhang international crowns at placements ang itinanong sa kanya.

“Happy! At least, hindi lang tayo sa COVID number one, di ba?” ang walang paliguy-ligoy na sagot ni Gloria.

“Kasi pwedeng tayo na siguro ang pinakamadaming Miss Universe. For how many years?

“Forty-five years, tapos sunud-sunod na ngayon. Viva La Filipina!”

Actually, 42 years ang lumipas actually bago nanalong Miss Universe si Pia Wurtzbach noong 2015 dahil si Margie Moran na nagwagi noong 1973 ang sinundan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gloria on Rabiya

Si Rabiya Mateo ang pambato ng ating bansa sa 69th Miss Universe na magaganap sa May 16, 2021.

Kahit hindi pa tinatanong si Gloria, ito na ang nagkusang magsalita tungkol sa reigning Miss Universe Philippines.

"Maganda naman si Rabiya talaga," sabi ni Gloria.

Sa tingin niya ba ay maiuuwi ni Rabiya ang Miss Universe crown?

"I can never tell, but she is really deserving," sagot ni Gloria.

“Maganda siya. Actually, ang dami kong nakikitang photos niya and she seems to be a very nice girl."

Hirit pa niya, "Alangan naman sabihin ko pangit siya, ‘no?"

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 1969 Gloria Diaz (left) on Miss Universe Philippines 2020: “Maganda siya. Actually, ang dami kong nakikitang photos niya and she seems to be a very nice girl. Alangan naman sabihin ko pangit siya, ‘no?"
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results