PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Muhlach, Phoebe Walker pay tribute to Toto Natividad

AJ Muhlach at Phoebe Walker, ipinagluluksa ang pagpanaw ni Direk Toto Natividad.
by Jojo Gabinete
Published Apr 28, 2021
AJ Muhlach (left) and Phoebe Walker (right) had the chance working with the late director Toto Natividad (center) in the 2017 action movie Double Barrel.

Ang Double Barrel (2017) ng Viva Films ang isa sa mga huling action movie na ginawa ng direktor na si Toto Natividad.

Launching movie ni AJ Muhlach ang Double Barrel, at si Phoebe Walker ang leading lady niya.

Kapwa ipinagluluksa nina AJ at Phoebe ang direktor na sumakabilang-buhay kahapon, April 27, dahil sa COVID-19.

Sinariwa ng dalawa ang mga alaala ni Direk Toto sa exclusive na panayam sa kanila ng Cabinet Files ngayong hapon ng Miyerkules, April 28.

Sabi ni AJ, “Si Direk Toto ang isa sa pinakamabait na direktor na nakatrabaho ko. Very passionate siya sa kanyang mga project at maalaga sa mga actor niya."

Nagpapasalamat si AJ dahil si Direk Toto ang direktor ng kanyang pinagbidahang action movie.

"Napaka-hands on niya sa pag-guide sa amin ni Phoebe nung ginagawa namin ang Double Barrel.

"Ang pinakabumilib ako sa kanya ay kung gaano kalaki ang respeto niya sa mga babae, pati yung pagmamahal niya sa kanyang family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako na-guide at inalagaan sa pagganap ko sa Double Barrel—mula sa mga kilos hanggang sa pagsasalita ng character ko.

"Every after take, kinakausap niya ako at sinasabi niya kung ano yung mga nakita niya na pwede pang ma-improve at kung ano yung kanyang mga nakita na magagandang ginawa ko."

Hindi nawala ang komunikasyon nina AJ at Direk Toto nang matapos at maipalabas sa mga sinehan ang Double Barrel noong August 2017 dahil nakakatanggap pa rin ang aktor ng mensahe mula sa kanyang paboritong direktor.

Sabi ni AJ, "May communication pa kami after the shoot. Nagkakausap kami sa Facebook messenger.

"Nakakatuwa nga kasi siya pa ang unang nag-message sa akin about sa isang project na ginawa ko dahil nagustuhan niya raw ang look at peg ng character ko."

Napansin din ni Phoebe ang pagiging mapagmahal ni Direk Toto sa pamilya sa dalawang proyektong pinagsamahan nila—ang Double Barrel at ang indie action na Faultline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Phoebe, "Naalala ko lang kapag shooting, family affair siya for Direk Toto.

"Mga assistant director at kasali rin sa production ang kanyang mga anak na sina Isaac, Don, Ma’am Luz, at iba pa kaya nakilala ko rin halos ang buong pamilya ni Direk.

"Nakakatuwa dahil feeling mo, welcome ka sa kanila. Kitang-kita ko rin ang closeness niya sa kanyang pamilya, kung gaano siya kamahal at karespetado ng mga tao sa paligid niya.

"Naalala ko for my stunt sa motor for Double Barrel, halos lagnatin ako sa kaba dahil takot ako sa aksidente.

"Pero he brushed my nerves off nung sinabi niya na kayang-kaya ko ang gagawin ko at inilagay ako sa pelikula for a reason.

"Laging nasa back of my mind yung mga encouraging words ni Direk.

"Biro mo, sa dami ng nakatrabaho at legendary status niya, I had the privilege of being directed by him. Malaking karangalan talaga!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mensahe pa ni Phoebe, "Condolences to the whole family. I was praying for him to pull through, pero God wanted another angel by his side, and he will live on through his family."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Muhlach (left) and Phoebe Walker (right) had the chance working with the late director Toto Natividad (center) in the 2017 action movie Double Barrel.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results