PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derek Ramsay history of ending relationship with ex-girlfriends

Derek Ramsay and the women he loved...
by Jojo Gabinete
Published Apr 22, 2021
Base sa mga panayam kay Derek Ramsay (gitna), lumalabas na siya ang nag-initiate ng breakup sa kanyang ex-girlfriends na sina Angelica Panganiban (dulong kaliwa), Solenn Heussaff (pangalawa sa kaliwa), Cristine Reyes (pangalawa sa kanan), at Joanne Villablanca (dulong kanan).
PHOTO/S: Instagram

Ang kuwento ni Derek Ramsay na siya ang nakipaghiwalay kay Andrea Torres noong fourth quarter ng 2020, at nangyari lamang sa pag-uusap sa telepono ang kanilang breakup, ang pahiwatig na may sinusundan o pattern ang pagwawakas ng mga nakaraang relasyon ng Kapuso actor.

Ito ay dahil siya nga ang unang nakikipagkalas na masakit para sa mga kababaihang iniwan niya.

Sina Andrea, Joanne Villablanca, Cristine Reyes, Angelica Panganiban, at Solenn Heussaff ang mga babaeng nakarelasyon ni Derek. Pero humantong ang lahat sa hiwalayan.

Sa panayam ni Cristy Fermin kay Derek sa kanyang radio program noong April 20, 2021, inisa-isa ng aktor ang panahong itinagal ng pakikipagrelasyon sa kanyang mga ex-girlfriend.

Hindi na binanggit ni Derek ang pangalan ni Mary Christine Jolly, ang babaeng pinakasalan niya noong April 2002, pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama.

Sabi ni Derek, “Over four years kami ni Solenn. Five years po kami ni Angelica. Six years kami ni Joanne. One year po kami ni Andrea.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umamin si Derek sa nabanggit na interbyu na nag-usap lamang sila ni Andrea sa telepono nang maghiwalay.

ANGELICA PANGANIBAN

Hindi na ito isang bagong pangyayari dahil sa ipinagtapat ni Angelica Panganiban noong April 2013 sa panayam ng defunct entertainment magazine na StarStudio.

Derek Ramsay ex girlfriend Angelica Panganiban

Ikinuwento ni Angelica na nagbabakasyon si Derek sa Boracay noong February 2012 nang magkaroon sila ng pagtatalo habang nag-uusap sa telepono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong daw siya ng kanyang ex-boyfriend: “Ano bang nararamdaman mo?”

Sinabi ni Angelica na gusto niyang sagutin nang personal ang tanong ni Derek kapag bumalik na ito mula sa Boracay, pero pinilit umano siyang sumagot. Kaya nagsalita siya ng "Wala. Wala na akong nararamdaman."

Natapos sa pag-uusap sa telepono ang limang taong relasyon ng dalawa dahil sa “Okay, it’s over” na maiksing sagot ni Derek kay Angelica.

Ang paratang na "controlling boyfriend" si Derek, ang kakulangan ng suporta nito sa misyon ng aktres na hanapin ang kanyang biological father, at ang civil marriage ng aktor kay Mary Christine Jolly sa Balagtas, Bulacan noong April 3, 2002 ang inihayag ni Angelica na tatlong problema sa relasyon nila ng ex-boyfriend.

SOLENN HEUSSAFF

Sa promo guesting ni Derek sa Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN para sa pelikulang Ex With Benefits noong September 6, 2015, ipinahiwatig ng aktor na siya rin ang nakipaghiwalay kay Solenn Heussaff.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Derek Ramsay asked about ex girlfriend solenn heusaff

Sabi noon ng aktor, “It wasn’t just the right time and I made decisions na parang, I guess, I won’t say the wrong decisions, pero decisions that broke my heart.

"Parang nakipag-break ako, and in the process I broke my heart...

"Mahal na mahal ko siya noon, pero sometimes that’s not enough.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang meron nangyayari sa relationship na, I guess, kasi sobra kayong nagmamahalan na sometimes you bring the worst out of each other.

"So, for me, it’s too much turmoil I had to get out. Kahit alam ko rin na mahal na mahal ko siya."

JOANNE VILLABLANCA

Dahil hindi showbiz personality si Joanne Villablanca, at walang miyembro ng media na naglakas ng loob kunin ang kanyang panig, hindi na nalaman ng publiko ang ugat ng paghihiwalay nila ni Derek.

Pero tulad ng nangyari sa relasyon nila ni Andrea, si Derek ang unang nag-announce sa publiko tungkol sa breakup nila ni Villablanca.

“Yes, we have broken up. It’s all for the best,” short confirmation ni Derek sa PEP.ph noong June 6, 2019 tungkol sa desisyon nila ni Joanne na wakasan ang kanilang live-in partnership.

Derek Ramsay ex girlfriend Joanne Villablanca

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CRISTINE REYES

Kasali rin ang pangalan ni Cristine Reyes sa listahan ng mga former girlfriend ni Derek.

Short-lived ang relasyon nila dahil mas maiksi pa ito sa isang taong pagsasama nina Derek at Andrea.

Again, base sa kanyang pahayag sa Cristy FerMinute radio show, si Derek ang tumapos sa isang buwan lamang na pakikipagrelasyon niya kay Cristine.

Sabi niya, “Naging girlfriend ko rin si Cristine.

"Kami ni Cristine, super close kami ni Cristine. She was one of my closest friends nung kami pa ni Angelica.

"'Tapos nung naghiwalay kami ni Angelica, we still maintained that friendship.

"'Tapos magkasama kami every day kasi ginagawa namin yung pelikula na Trophy Wife na ilang beses ni-reshoot. Umabot yata ng two years ‘yung pelikulang ‘yon.

Derek Ramsay with ex girlfriend Cristine Reyes in Trophy Wife

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, galing ako sa break, galing din siya sa break, so alam mo yung dalawang magkaibigan na sobrang kumportable sa isa’t isa na naisip na may nangyari lang na, 'tapos, ‘O, dapat siguro bigyan natin ng chance ito kasi sobrang kilala na natin ang isa’t isa.

“Pero yun nga, dahil sa sobrang kilala na namin ang isa’t isa, after one month, napag-usapan namin, sabi ko, 'Alam mo, Tin, hindi talaga tayo pang-boyfriend girlfriend. Pangmagkaibigan lang.'”

ELLEN ADARNA

Si Ellen Adarna ang kasalukuyang karelasyon ni Derek at, ayon sa aktor, plano nilang magpakasal sa July 2021.

Ginulat ng dalawa ang publiko sa kanilang whirlwind romance dahil nag-propose agad ng kasal si Derek kay Ellen noong March 30, 2021, isang buwan pagkatapos nilang aminin sa publiko na nagmamahalan sila.

Maligayang-maligaya si Derek sa piling ni Ellen at makikita umano ito sa kanyang mga mata at kilos.

“I’ve never been this happy in my life. Hindi lang sa relationship ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, everything around me, yung relationship ko sa anak ko [Austin], which has been my biggest… ayokong sabihin na problem, e, pero yung lagi kong ipinagdarasal na maayos at maging komportable na siya sa akin and everything.

“Nung pumasok si Ellen sa buhay ko, parang all those little things in my life na ipinagdarasal ko, all fell into place,” kuwento ni Derek sa Cristy FerMinute.

Tunay na malaki ang nagagawa ng nag-uumapaw na pag-ibig sa puso ni Derek dahil lumitaw ang kanyang pagiging malambing, na isa sa mga kahinaan ng mga babae.

Kahit may mga nagsasabing hindi sila kumikilos o umaarte ng naaayon sa kanilang mga edad, hindi na nag-aalangan si Derek na ibahagi sa publiko ang mga litrato ng sweet moments nila ni Ellen.

Gaya ng larawan na karga-karga niya ang aktres at may caption na “My big baby tuko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maipagkakaila na epekto ito ng sobra-sobrang pag-ibig na nararamdaman niya para sa kanyang fiancée.

RELATED STORY

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Base sa mga panayam kay Derek Ramsay (gitna), lumalabas na siya ang nag-initiate ng breakup sa kanyang ex-girlfriends na sina Angelica Panganiban (dulong kaliwa), Solenn Heussaff (pangalawa sa kaliwa), Cristine Reyes (pangalawa sa kanan), at Joanne Villablanca (dulong kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results