Napaluha sa labis na tuwa ang Filipino shoemaker and designer na si Jojo Bragais nang ilabas ng Miss Universe Organization (MUO) ngayong Sabado, April 17, ang announcement na siya ang official footwear sponsor ng 69th Miss Universe Pageant.
Gaganapin sa May 16 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA, ang prestihiyosong beauty pageant.
Isang malapit na kaibigan ni Bragais ang nagsabi sa Cabinet Files na “napaiyak at nagpapakalma” pa ang popular shoe designer dahil sa sobrang kaligayahan.
Natutuwa rin umano si Bragais dahil tinupad ng MUO ang pangako nito tungkol sa araw ng paglabas ng announcement na siya ang official footwear sponsor ng Miss Universe.
“All of our delegates walk with purpose, strength and in their own unique stride. Presenting the official footwear sponsor of the 69th Miss Universe competition Jojo Bragais, who empowers women to “Walk. Win.” ang post sa official Facebook page ng Miss Universe Organization.

Mula 150 hanggang 200 pares ng mga sapatos ang gagawin ni Bragais para sa 75 official candidates ng 69th Miss Universe at nakatakda siyang lumipad sa Florida sa huling linggo ng Abril.
Umaasa si Bragais na makakapagpaturok siya ng COVID-19 vaccine bago pumunta sa U.S. para personal na asikasuhin ang mga kandidata ng Miss Universe na magsusuot ng kanyang proudly Pinoy made at world class shoes.
Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, ipinaabot ni Bragais sa Miss Universe Organization ang pasasalamat dahil sa malaking tiwala sa kanya.
“I am grateful for the Miss Universe organization for the trust they have given Bragais. They made my dream possible by becoming the first Pinoy footwear partner for the pageant.”