PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Binibining Pilipinas, may bagong schedule sa June 27, 2021

Apat na beauty titles ang paglalabanan sa 57th Binibining Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Apr 13, 2021
Inanunsiyo ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. na sa June 27, 2021 ang bagong schedule ng grand coronation ng 57th Binibining Pilipinas.
PHOTO/S: Instagram

Hindi natuloy ang coronation night ng 57th Bilibining Pilipinas noong April 26, 2020.

Ito ay dahil sa enhanced community quarantine na ipinatupad noong March 15 at pinalawig hanggang May 15, 2020 bilang pag-iingat laban sa coronavirus pandemic.

Noong January 2021, inanunsiyo ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI), ang organizer ng 57th Binibining Pilipinas, na matutuloy na ang coronation night sa sa April 17, 2021.

Pero hindi pa rin ito magkakaroon ng katuparan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region at mga kalapit na probinsiya.

Ngayong Martes, April 13, naglabas ng bagong pahayag ang BPCI tungkol sa coronation night ng 57th Binbining Pilipinas.

Magaganap ito sa Smart Araneta Coliseum sa June 27, 2021.

Pinahahalagahan daw kasi nila ang ang kaligtasan at kalusugan ng lahat.

Pahayag ng BPCI:

"To safeguard the welfare of our staff and candidates. BPCI is moving the Binibining Pilipinas coronation night to June 27, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We will continue to comply with government guidelines. For now, we will hold virtual activities until we are ready to stage our pageant events. Thank you for your understanding and stay safe."

Apat na beauty titles para sa 2021 ang paglalabanan ng official candidates ng 57th Binibining Pilipinas: Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Grand International, Bb. Pilipinas Intercontinental, at Bb. Pilipinas Globe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. na sa June 27, 2021 ang bagong schedule ng grand coronation ng 57th Binibining Pilipinas.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results