May balitang civilly married na ang aktres na si Ritz Azul at ang kanyang fiancé na si Allan Guy. Pero wala pang kumpirmasyon mula sa kampo nila.
Isang bagay lang ang sigurado: magaganap sa December 2021 ang destination wedding nina Ritz at Allan dahil nasabihan na ng dalawa ang mga magiging ninong at ninang nila sa kasal.
Naganap ang marriage proposal ni Allan kay Ritz sa Lipa, Batangas, noong 2020.
Kinumpirma ito ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram post na may petsang June 20, 2020.
Aniya, “Sa proposal n’ya ang daming naging hindrances. Kinwento nila sakin na dapat sa Switzerland magaganap pero biglang nagkaroon ng mga pangyayari at ng pandemya.
“Ngayon, naganap ang proposal sa farm nila sa Batangas. Umuulan pa pero nu’ng moment na magpo-propose na sya, nag-clear ang langit at kita pa ang bundok.
“Pagkatapos nyang mag-propose, umulan ulit. Sobrang magical. Napabanggit ako ng
“Salamat sa Dios.”
Allan and Ritz relationship
Si Allan ang una at huling boyfriend ni Ritz.
Nagkakilala ang dalawa noong 2016, at nag-umpisa muna sa pagiging magkaibigan ang kanilang relasyon.
Isang common friend nina Ritz at Allan ang nagsabing masuwerte ang dalawa sa isa’t isa dahil housewife material ang aktres, samantalang nagmula naman sa disente at maayos na pamilya ang kanyang mapapangasawa.
Idinagdag pa ng Cabinet Files source na kahit huminto si Ritz sa pag-aartista dahil magpapakasal na siya, tiyak na magiging kumportable ang buhay niya sa piling ni Allan.