Biktima ng paninira si Patricia Javier at ang kanyang chiropractor husband na si Dr. Rob Walcher noong 2020, dahil isang Ron Samaniego ang naglabas ng mga kasinungalingan na pahayag at video laban sa kanilang popular health and wellness clinic.
Puwedeng-puwede na magsampa ng reklamo ang mag-asawa dahil malisyoso at walang katotohanan ang mga bintang ni Samaniego.
Pero pinili nilang ipagpatuloy ang pagtulong sa ating mga mahihirap na kababayan na biktima ng coronavirus pandemic sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Vitamin C at Vitamin D.
"Si Dr. Rob, no comment kasi hindi siya ang klase ng tao na maninira ng kapwa.
"Tahimik lang kami na mga tao.
"Ang gusto lang namin, makatulong at magkaroon ng tahimik na pamumuhay," bungad ni Patricia.
Dokumentado raw ang paninira ni Samaniego sa kanyang asawa at sa health and wellness clinic nila.
Sa kabilang banda, nakarating kay Patricia na nasangkot sa kontrobersiya si Samaniego nang makuwestiyon kung lehitimo ba itong doktor.
"Dr. Ron" kasi ang tawag kay Samaniego ng followers nito sa social media, pero tila walang katotohanan na isa itong doktor.
PHYSICAL THERAPISTS ORG DISOWNS RON SAMANIEGO
Noong Miyerkules, April 7, 2021, naglabas ang News5 ng breaking news na may headline na: "Fake Doctor? Physical therapist condemned for spreading misinformation on COVID-19."
Ayon sa News5 report, kinokondena ng Philippine Physical Therapy Association Inc. (PPTA) si Ron Samaniego na tinukoy bilang isang physical therapist.
Ginamit umano ni Samaniego ang social media sa pagkakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa COVID-19.
Sinabi ni Samaniego na isang scam ang COVID-19 na ginagamit ng pamahalaan para magkaroon ng pera.
Saad sa isang Facebook post ni Samaniego: "Ito tanong ko sa DOH at sa mga naniniwala na may COVID na nakakamatay at nakakahawa ng husto.
"Paano n’yo nalaman na may COVID? Anong proof n’yo na meron COVID pa rin?
"Ano proof n’yo na nakakahawa at nakakamatay ang COVID?"
Pero burado na ang Facebook page ni Samaniego mula nang kuwestyunin ng PPTA ang kanyang kredibilidad.
Nagsalita rin si Samaniego na hindi matutukoy ng PCR (polymerase chain reaction) test kung positive sa COVID-19 ang isang tao.
"Kahit ‘yung inventor mismo [ng PCR test] nagsabi hindi dapat ginagamit ‘yan to diagnose coronavirus. So ang tanong ko sa mga medical doctors na nagsasabi na may coronavirus pa rin, paano niyo nalaman na meron coronavirus talaga?
"Kung PCR testing lang at data ng WHO (World Health Organization), data ng DOH, wala na tayo pag-uusapan. Talo na kayo."
Nakababahala ang walang basehang pahayag ni Samaniego kaya naglabas ng official statement ang PPTA.
Itinatwa ng PPTA na si Samaniego ay miyembro ng organisasyon ng physical therapists sa bansa.
Sabi sa opisyal na pahayag ng PPTA: "Mr. Samaniego is not a member of the association. We have reviewed some of the statements he made, and his claims about vaccination and the COVID-19 pandemic now circulating on social media which are dearly unfounded and without medical value.
"His claims do not reflect the views of the entire physical therapy profession, even less so, of the PPTA.
"We call out his unethical and irresponsible behavior in the strongest possible terms, and we are looking into the appropriate ethical complaint that we can file with the Professional Regulation Commission (PRC) concerning this matter.
"We remain one with the healthcare team in advocating and pursuing science-based, equitable collective strategies and individual actions in addressing our country’s evolving pandemic situation.
"We encourage the physical therapy community and the general public to be cautious in deciding which information to believe and which personalities to listen to.
"We need to be active combatants against the spread of disinformation and misinformation.
"Now more than ever, we need to be able to rely on solid information backed-up by evidence from trusted sources and agencies/organizations if we are to win against this pandemic."

PATRICIA'S MESSAGE for samaniego
Dahil sa kontrobersiya, hindi maiwasang maalala ni Patricia ang nangyaring paninira ni Samaniego sa kanyang asawa na si Dr. Rob.
Lumalabas na tila nag-boomerang kay Samaniego ang kalokohan nito.
Mensahe ni Patricia para sa taong nanira sa kanilang mag-asawa:
"Sana maging lesson itong nangyari kay Ron para huwag na siyang pamarisan.
"We need to be kind to one another and we should respect each other’s profession."