October 2020 nang ilabas ng direktor na si Paul Soriano sa kanyang Instagram account ang teaser ng RLF (Real Life Fiction), ang unang movie team-up nina Piolo Pascual at Jasmine Curtis Smith.
Maliban sa pamagat, mga artista ng pelikula, at sa 2021 playdate, walang ibang impormasyong ibinigay si Direk Paul tungkol sa kanyang bagong proyekto.
May intriguing teaser ito dahil sa voice-over narration ng karakter ni Piolo na “The voices of the past speak to me. These constant whispers, ignore them. Ignore them.”
Isang insider ang nagsabing ibang Piolo at Jasmine ang mapapanood sa RLF dahil ito ang pinaka-daring na pelikula ng dalawa.
Tiniyak ng insider na maraming magugulat kina Piolo at Jasmine dahil si Paul lamang ang nakapagkumbinsi sa kanilang gawin sa kauna-unahang pagkakataon ang mga “very revealing scene,” na hindi nila ginawa sa kanilang mga nakaraang movie assignment.
Kakaiba rin ang RLF dahil American at hindi Filipino language ang ginamit na dialogue ng mga aktor ng pelikula.
Maikukumpara umano ang RLF sa mga foreign movie na hahamon sa talino ng manonood dahil mag-iisip sila sa bawat eksena.
At the same time, bibilib sila sa husay nina Piolo at Jasmine bilang mga aktor dahil sa iba’t ibang klase ng emosyong kanilang ipinamalas sa RLF.
Use these Shopee promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.