PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isko Moreno strong bets for 2022, accdg to Pulse Asia survey

Yorme, biographical movie ni Mayor Isko Moreno?
by Jojo Gabinete
Published Mar 9, 2021
Nagsu-shooting na ngayon para sa pelikulang Yorme, kung saan ginagampanan ni McCoy de Leon (kanan) ang batang Mayor Isko Moreno (kaliwa). May kinalaman kaya ang pelikulang ito sa posibleng pagtakbo ni Mayor Isko sa 2022 elections?
PHOTO/S: Manila Public Information Office Facebook / @joventan on Instagram

Kasama ang pangalan ni Manila City Mayor Isko Moreno sa survey ng Pulse Asia tungkol sa mga pinapaborang kumandidato bilang Pangulo ng Pilipinas sa eleksyon sa 2022.

Pero sa interbyu sa kanya ng CNN Philippines noong January 3, 2021, sinabi ni Mayor Isko na wala siyang planong tumakbo para sa nabanggit na posisyon dahil nakatuon ang kanyang atensiyon sa pagpapaunlad sa Maynila at sa paglutas sa problemang hatid ng COVID-19 pandemic.

Pero nagpasalamat si Mayor Isko dahil isinasama ang kanyang pangalan sa survey ng mga presidentiable na itinuturing niyang isang malaking karangalan.

Kasama ni Mayor Isko sa Pulse Asia survey ng mga presidentiable frontrunner sina Davao City Mayor Sara Duterte, former Senator Bongbong Marcos, Senator Grace Poe, at Senator Manny Pacquiao.

Sa kabila ng pagtanggi ni Mayor Isko, may mga taong pilit na iginigiit na kakandidato siyang presidente ng bansa sa susunod na taon.

Ginagamit nilang basehan ang pagsisimula ng shooting ng movie project na may pamagat na Yorme.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yorme

"Yorme" ang moniker o pet name kay Mayor Isko ng kanyang constituents dahil kilala siya sa baligtad na pagbigkas ng mga salita tulad ng etneb (bente), wakali (kaliwa), at marami pang iba, kaya may mga kumbinsidong biographical movie niya ang Yorme.

Ang Saranggola Media Productions ang producer ng pelikulang idinidirek ni Joven Tan.

Si McCoy de Leon ang gumaganap na young Yorme.

Pero hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag kung may kinalaman sa buhay ni Mayor Isko ang kuwento ng Yorme.

Musical at hindi ordinaryong drama movie ang Yorme.

Kinukunan ang mga eksena nito sa Laguna at sa Tondo, ang lugar na kinagisnan at may malaking bahagi sa buhay ni Mayor Isko.

Gaya ni Mayor Isko, batang Tondo si McCoy kaya may mga nagsasabing perfect choice siya bilang batang Yorme.

Samantala, may aktor nang napili na gaganap na adult Yorme at nakatakda ang announcement sa mga susunod na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsu-shooting na ngayon para sa pelikulang Yorme, kung saan ginagampanan ni McCoy de Leon (kanan) ang batang Mayor Isko Moreno (kaliwa). May kinalaman kaya ang pelikulang ito sa posibleng pagtakbo ni Mayor Isko sa 2022 elections?
PHOTO/S: Manila Public Information Office Facebook / @joventan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results