Pagkatapos ng apatnapu’t isang (41) taon, opisyal nang namaalam si Malou Choa-Fagar bilang chief operating officer ng TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga, ang longest-running noontime variety show ng bansa.
Mensahe ni Malou sa kanyang Facebook post ngayong Bagong Taon, January 1, 2021: “Happy New Year! It’s official, I am retired TAPE! Eat Bulaga!
“For I know, the plans I have for you, declares the LORD, plans for welfare and not for calamity to give you a future and a hope.- Jeremiah 29:11”
Nag-umpisa ang television career ni Malou bilang production assistant ng Eat Bulaga! hanggang maging executive siya nito at ng ibang mga programa ng TAPE Inc. dahil sa kanyang talino, creativity, at magaling na pamamalakad.
Isa si Malou sa mga institusyon ng Eat Bulaga.
Malaki ang kanyang kontribusyon kaya mula noon hanggang ngayon, number one ang variety show na maraming beses nang sinubukang tapatan at higitan pero nahirapan ang mga nagtangka.
Well-loved si Malou sa local entertainment industry dahil sa kanyang mahusay na pakikisama sa lahat ng klase ng tao.
Nakakulungkot ang pagreretiro ni Malou dahil malaking kawalan ito sa TAPE Inc.at Eat Bulaga, pero magiging bahagi pa rin siya ng industriya ng telebisyon at pelikula.
Ipagpapatuloy niya ang pamamahala sa career ng kanyang mga talent na sina Joey Marquez, Phillip Salvador, Rita Avila, Keempee de Leon, Geoff Eigenmann, Boy2 Quizon, Jose Manalo, Wally Bayola, ang mag-amang Carlitos at Rafa Siguion-Reyna, Maila Gumila, Willy Nepomuceno, at ng magkapatid na Rap at Renz Fernandez.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika