PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Tala" at ang iba pang viral OPM songs ng 2020

"Tala" ni Sarah Geronimo, tinawag na "pandemic roof."
by Jojo Gabinete
Published Dec 29, 2020
(Top) Sarah Geronimo, ALLMO$T, The Juans; (botom) Juan Caoile, Soulstice, Arthur Nery, and Rob Deniel.
PHOTO/S: Instagram

January 2016 nang i-release ng Viva Records ang "Tala."

Ang "Tala" ay ang phenomenal hit song ni Sarah Geronimo na muling namayagpag noong 2019, naging dance craze, at ginawan ng iba’t ibang dance cover ng mga Pilipino sa buong mundo.

Hindi natapos sa 2019 ang kasikatan ng "Tala" dahil ito ang pangalawa sa Most Googled Song sa Pilipinas nitong 2020, kaya "pandemic proof" ang tawag sa hit single ni Sarah.

To date, halos umabot na sa 200 million ang views sa "Tala."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sarah Geronimo

Itinuturing itong pinakamatagumpay na Filipino song of the millennium dahil number 12 ito sa Billboard’s World Digital Song Sales Chart noong January 2020.

Ito ay kahit hindi masyadong aktibo si Sarah sa music scene mula nang magpakasal sila ni Matteo Guidicelli noong February 20, 2020.

Hindi lamang ang "Tala" ang tinangkilik ng mga Pinoy music lover.

OTHER HIT OPM SONGS

Most Streamed Song naman sa Spotify ang "Hindi Tayo Pwede" ng Bulacan-based Filipino rock band na The Juans.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Juans

Naging bahagi ng Elites of Rap ang rap quartet ng ALLMO$T dahil ito ang Most Streamed Pinoy Hip-hop Artists ng 2020.

Ang ALLMO$T ang kumanta ng viral hit na "Dalaga."


ALLMO$T

Malaki ang ipinagbago ng takbo ng buhay nina Juan Caoile at Kyle ng Juan X Kyle dahil certified hit ang kanilang debut single na "Marikit."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Juan noong July 2020, nagpahayag siya ng lubos na pasasalamat sa Panginoong Diyos dahil sa success ng kanta nila ni Kyle.

Masayang-masaya ang dalawa dahil ang "Marikit" ang idineklara na Most Streamed Pinoy Hip-hop Song ng 2020.


Juan X Kyle

Kabilang sa Top Tracks of 2020 ang "Ivana" ng Soulstice na meron nang mahigit na 50 million views sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sexy star na si Ivana Alawi ang inspirasyon ng sikat na kanta ng Soulstice.


Soulstice

Gumawa rin ng ingay sa local music industry ang Bandang Lapis, ang umawit ng monster hit na "Sa Kabilang Buhay"; ang Cagayan de Oro-based neo-soul singer na si Arthur Nery, ang kumanta ng "Binhi"; at ang 16-year-old singer guitarist-songwriter na si Rob Deniel, ang composer ng viral overnight song na "Ulap" na cellphone lamang ang ginagamit sa paglikha ng mga kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Bandang Lapis

Popular sa OPM enthusiasts ang mga awit nina Arthur, Rob, at ng Bandang Lapis pero hindi sila pamilyar sa hitsura ng mga nabanggit na mang-aawit.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Arthur Nery (left) and Rob Deniel (right)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) Sarah Geronimo, ALLMO$T, The Juans; (botom) Juan Caoile, Soulstice, Arthur Nery, and Rob Deniel.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results