PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Killer cop na si Jonel Nuezca, gustong pakainin ng COVID ni Pangulong Duterte at gustong ipabitay ni Senator Bong

Pangulong Rodrigo Duterte: "Pakainin niyo ng COVID yung ulol na ‘yon."
by Jojo Gabinete
Published Dec 22, 2020
Nagpahayag ng kanilang galit sina Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at Senator Bong Revilla (kanan) sa pagpatay ng police officer na si Jonel Nuezca (gitna) sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac, noong Linggo, December 20.
PHOTO/S: PNA / PNP / Facebook

Napanganga raw si President Rodrigo Duterte nang mapanood nito ang viral video ng karumal-dumal na pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac, noong Linggo, December 20.

"Pati ako napanganga. That’s unfair and brutal masyado. Kung ako ang nandiyan, ewan ko lang," pahayag ng Pangulo sa kanyang televised nation address mula sa Davao City kagabi, December 21.

Kinokondena ng buong mundo ang krimeng ginawa ni Nuezca, at nadadamay ang pangalan ni Duterte dahil sa matinding suporta na ibinibigay nito sa Philippine National Police (PNP) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa iba, ito ang dahilan kaya umaabuso ang ilan sa mga miyembro ng mga nabanggit na government agencies na ginagamit ang kanilang mga armas at kapangyarihan para makapang-api ng kapwa.

Pero sa kanyang public address kagabi, ipinaalaala ni Duterte sa mga miyembro ng PNP na dapat na naaayon pa rin sa batas ang kanilang mga aksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hoy, kayong mga pulis, ha, mahal ko kayo kasi nagtatrabaho kayo.

"Do your duty, enforce the law. Your actions must be in accordance with the law.

"You do not follow the law, salvage ka, magpatay ka diyan, then I’m sorry that’s not part of the agreement of how we should do our work."

Ipinag-utos din ni Duterte na huwag hahayaang makalabas mula sa kulungan si Nuezca dahil double murder ang kaso nito.

"I am just wondering why he was able to nakalusot sa neuro, and I’m sure that by now he should not be allowed to go out because double murder ‘yon.

"Pakainin niyo ng COVID yung ulol na ‘yon.

"Be sure that he is detained. He should not be allowed to go out kasi serious offense ‘yan.

"There’s no bail so hindi maka-bail ‘yan. Diretso-diretso na ‘yan,” sabi ni Duterte.

Nagbitaw rin ng salita ang Pangulo na hindi siya “pa-hero,” pero hindi raw niya alam ang gagawin kay Nuezca kung naroroon siya sa pinangyarihan ng pamamaslang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BONG REVILLA: BITAY PARA KAY NUEZCA

Kung may parusa lang na bitay, ang pagbitay kay Nuezca ang nais na rekomendasyon ni Senator Bong Revilla Jr., na galit na galit sa pagpatay ng kriminal na pulis sa mag-inang Gregorio.

Gigil na sinabi ni Revilla na walang puwang sa PNP at sa isang civilized society ang mga kagaya ni Nuezca na dapat parusahan at hindi lamang basta alisin sa serbisyo.

"This is one compelling case for the reinstitution of the death penalty," sabi ni Revilla.

Pinuna rin ng actor-politician ang pagtatanggol kay Nuezca ng ibang mga miyembro ng PNP.

"Pati itong mga pulis na nagtanggol pa kay Nuezca, na isa-isa rin namang nagbura ng kanilang mga post matapos mapuna, dapat imbestigahan din ng PNP (Philippine National Police) at NAPOLCOM (National Police Commission). Dapat lahat ng 'yan i-evaluate ulit at ipa-neuro.

"Hindi ka tao kung magagawa mong pumatay ng ganun lang, at sa harap pa mismo ng iyong anak. 'Tapos lalakad lang kayo palayo na parang walang nangyari."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Humihingi rin si Revilla ng paliwanag mula sa PNP dahil nananatili sa serbisyo si Nuezca sa kabila ng mga pang-aabuso at patong-patong na kaso na kinasasangkutan kaya lalong naging abusado.

"The PNP should review its standards. Hindi dapat hinahayaan ang mga bulok sa organisasyon dahil nadadamay lahat. Kung pababayaan nila ang mga bugok, makakahawa pa 'yan at ayan, nakikita na natin ang resulta," ani Revilla.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpahayag ng kanilang galit sina Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at Senator Bong Revilla (kanan) sa pagpatay ng police officer na si Jonel Nuezca (gitna) sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac, noong Linggo, December 20.
PHOTO/S: PNA / PNP / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results