PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boys Love Series tampok ang Ilocano talents, mapapanood na

Puwedeng-puwede na makipagsabayan sa mga kilalang artista mula sa NCR.
by Jojo Gabinete
Published Dec 13, 2020
Influencers The Series stars Chollo Sotiangco and Leon Eustaquiao.
Mapapanood na rin ang Ilocano produced and starred BL series na Influencers, The Series sa YouTube channel ng Camp Avenue Studios.
PHOTO/S: PR photo

Dahil sa tagumpay sa Pilipinas ng iba’t ibang kuwento ng Boys Love Series, naengganyo na rin ang mga kababayan natin sa La Union na maglabas ng sariling BL series.

Tampok dito ang mga Ilocano talent na nagpakitang-gilas sa pag-arte kaya puwedeng-puwedeng makipagsabayan sa mga kilalang artista sa National Capital Region.

Ang Camp Avenue Studios sa San Juan, La Union ang nag-produce ng BL Series na may pamagat na Influencers, The Series na mapapanood sa kanilang YouTube Channel.

Mga bida sa Influencers, The Series ang homegrown talents na sina Chollo Sotiangco at Leon Eustaquiao.

Tungkol sa isang lifestyle influencer at socio-political reactor na nagkaroon ng relasyon pero palaging may mga nakatutok sa bawat galaw nila ang kuwento ng Influencers, The Series.

Maikukumpara sa mga eksena ng Ben X Jim ang mga kilig moment ng mga karakter sa Influencer, The Series.

Ang Ben X Jim ang successful BL Series ng Regal Entertainment Inc. na pinagbidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakaroon na ng sequel ang Ben X Jim dahil sa tagumpay nito.

Hindi lamang ang mahuhusay na pagganap ng cast ang mapapanood sa BL Series mula sa Ilocos region dahil ipinakita rin ang magagandang tanawin sa naturang probinsya.

Mula sa panulat ni Stephanie Rose Quiros ang Influencers, The Series at sa direksyon ito ni Renz-Bhil Tugelida.

Hindi ang Influencers, The Series ang unang produksyon ng Camp Avenue Studios, dahil ito rin ang producer ng Chasing Sunsets, ang Girls Love Series o first lesbian-centered-digital series na ni-release noong June 12, 2020, ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Chasing Sunsets GL series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mga bida sa Chasing Sunsets sina Aura Dominique at Donna Erno.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mapapanood na rin ang Ilocano produced and starred BL series na Influencers, The Series sa YouTube channel ng Camp Avenue Studios.
PHOTO/S: PR photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results